Unang paskil ko sa blog para sa taong ito. May mga naisulat akong bagonG akda ngunit walang panahon na maipaskil. Maliban sa napakaabala ko sa aking tungkulin at pagod sa araw-araw na pagbyahe (Manila-Bulacan vice versa) ay aaminin kong iniwasan ko ang ilang bagay na ibig kong gawin.
Ilang buwan na di nagparamdam sa malalapit na kaibihan, maraming lakad pero di ako tumutugon kahit nga nunbg kaarawan ko wala akong pinansin hehehe. Sabi ko sa kanila nagpapagaling ako dahil mayroon akong malalang sakit na nakakahawa hahaha.
Pakiwari ko nagtampo rin ako sa panulat. Nakaramdam ako ng kawalang hustisya sa mga akdang nais kong ipabatid ngunit kinalaunan hindi ko rin ito natiis dahil mahal ko ang gawaing ito. Bakit kailangan kong talikuran ang mga bagay na nagpapasaya sa akin kaya magpapatuloy ako sa pagkatha...
Ngayong bakasyon dahil marami na akong oras para makapagpahinga, unang-una kong binawi ang pagod at puyat. Nakakatuwa halos buong araw ako tulog..
13 oras sa unang araw...
Halos buong araw sa sumunod na araw... Matutulog, magigising dahil sa tawag ng kalikasan o kaya'y kailangan kumain pero pag nadantay muli sa higaan asahan mo tulog akong muli!
Sa mga suminod na araw napagod na akong matulog, OO NAKARAMDAM AKO NG PAGOD SA PAGTULOG kaya ponilit kong ibalik sa dati ang tamang paggulog. Naisip ko rin kasi, may napanood ako sa tv nakalimutan ko lang saang bansa yun, karamihan sa mga mamamayan nila tulog ng ilang araw kaya pinag-aaralan ngayon kung anong klase ito ng sakit. Di ba baka sakit ito at baka di na ako magising kaya tinigil ko na ang trip kong iyon.
Iniisip ko ngayon kung saan mamamasyal dahil nga bakasyon. Maliban sa pupunta kaming Pangasinan dahil sa may dadaluhang kasal ng isang malapit na kaibigan ay gusto kong maglakbay sa iba pa.
Sa pagkakataong ito, iba na kasi napagtanto ko na may muwang na ang mga anghel ko kaya dapat sila na ang aking makakasama sa nga SUMMER GATEAWAY ko. Pumasok kasi sa isip ko na pwede na akong pagalitan o mas malala sumbatan nila kambal kapag di ko sila kasama sa mga SG ko kaya FAMILY GATEAWAY na simula ngayon. Iyan ang pangako konsa sarili ko ngayon...
Maliban pa rito ay may matinding hamon pa akong kakaharapin na sana ay aking mapagtagumpayan.
Alam ko naman ano mang gagawin ko, nakaantabay SIYA sa akin at ipagkakaloob niya kung anong nararapat....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento