LAST TWO MINUTES
Nagkakainitan
na ng laban at hindi na rin magkaumayaw ang mga manonoood sa tindi ng tensyon
sa pagitan ng dalawang sikat na koponang Krispop at Soyoba. Sabay-sabay pang
nagkasigawan ng marinig na ang “LAST TWO MINUTES.”
Napatayo
na lamang si Nano habang nakatutok sa laban. Karaniwan ng umaabot ng mahigit sa
labinlimang minuto ang nalalabing oras na ito ng laro. Makikita mo rin sa isang
sulok si Aling Loida na ginagawang papel ang palad at talampakan sa kasusulat
ng puntos.
“Ayos,
panalo na Krispop. Lalaruin na lang nila iyan.”
“No,
alalahanin mo bilog ang bola at marami pang pwedeng mangyari dyan.”
Sampung
segundo ang nalalabi, 92-94 ang puntos, bola pa ng Krispop. Abot-tenga na ang
ngiti ni Nano habang papalapit kay Aling Loida. Nang biglang nagkahiyawan ang
lahat at tumataginting ang boses ng announcer sat tv “CodiƱera 3 points” at
kasunod ang mahabang buzzer.
“Sayang
Nano panalo ka na sana, 24 na naging 54 pa.”
Bilog
talaga ang bola, pera na naging bato.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento