Matagal na panahon din na di kita nadalaw dahil na rin sa dami ng aking pinagkaabalahan at mga desisyong aking hinarap.. pinanindigan. Ngunit wala sa isip ko na kalimutan ka dahil sa iyo naipapakita ko ang totoong mundo na aming ginagalawan... magulo man ay mararamdaman mong makabauluhan!
Naisip ko nga minsan bakit hindi na lamang sayo magtuon ng panahon tutal dito ako higit na nagiging masaya na kung saan malaya akong nakakapagpahayag ng aking saloobin, kaalaman at higit sa lahat dito walang komplikasyon dahil tayo lamang ang talagang nagkakaunawaan. Walang sakit ng ulo dahil walang nanggugulo. Walang sama ng loob dahil tanging mga marunong magpahalaga sa munti nating likha ang napapadpad sa espasyong ito. Walang-walang talagang dapat ipag-alala kung ako'y naririto ngunit wala akong magagawa kundi ang harapin pa ang ibang mundong pinili ko na kabaligtaran sa ibinigay mo...
Sa ngayon ang tanging maipapangako ko ay mapanatili ang koneksyon natin sa isa't isa at higit na mapatindi ang enerhiyang ating nasimulan. Kahit na iilan lamang ay napapansin tayo ngunit hindi naman iyon ang ating layunin kaya tuloy lamang tayo a ating hakbangin...
Muli paumanhin kaibigan kung pansamantalang hindi kita naanigan :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento