KURSONG DI SIKAT,
CAREER AY MAS ANGAT SA HINAHARAP!
ni Wilma E. Hermogenes
Kamakailan
lamang ay marami ang nagsipagtapos ng hayskul, maaaring ang ilan dahil sa
kahirapan ay magtatrabaho na lamang upang makatulong sa kanilang pamilya
samantalang ang iba ay pinaghahandan ang panibagong yugto ng kanilang pag-aaral
sa kolehiyo. Ngunit marami pa rin sa mga nagsipagtapos ang naguguluhan kung
anong kurso ang kanilang pipiliin na makapagbibigay sa kanila ng magandang
hanapbuhay sa hinaharap.
PAGPILI
NG KURSO SA KOLEHIYO
Taon-taon ay nagsasagawa ang DepEd ng NCAT (National
Career Assessment Test) para sa mga magsisipagtapos ng hayskul, nakakatulong
ito upang makapamili ang mga mag-aaral ng kursong kanilang kukunin sa kolehiyo
dahil sa resulta ng pagsusulit na ito ay lumilitaw kung saang aspeto may
angking husay ang bawat mag-aaral. Nagsisilbi lamang itong gabay para sa kanila
ngunit ang pagpili pa rin ng kursong kanilang kukunin ay nakadepende sa
kanilang kagustuhan at kung minsan ay sa kagustuhan ng kanilang mga magulang na
lumilitaw sa mga pag-aaral na may malaking di magandang epekto dahil sa
napipilitan ang mga ito na pag-aralan ang isang kurso na wala sa kanilang
kakayahan.
Ayon kay Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz ng DOLE
(Department of Labor and Employment) “Graduating high school students, and the
seniors following them should realize this early the significance of making
wise and excellent career decisions. They themselves can help resolve the jobs
and skills mismatch problem by pursuing courses and skills that would easily
fit them into jobs or entrepreneurship opportunities in the labor market,”
Dagdag pa niya “I also advise them to refrain from choosing courses based on
what’s in vogue or fashionable, or, to use the popular social lingo of the
youth, what’s “trending” and popular. Just because a neighbor’s son or daughter
will take up this or that course does not mean you should follow suit.”
HINDI
SIKAT PERO SWELDO’Y HEBIGAT
Marami
di umanong kurso na hindi kilala ngunit ang mga ito ang may matataas na sahod
at demand tulad ng nakatala sa pinakabagong pag-aaral ng Bureau of Local
Employment (BLE) na sampung may pinakamataas na sahod sa Pilipinas: Art
director (P69,286), Geologist (P64,889), Aircraft pilot/ navigator/ flight
engineer (P57,789) Mining engineer/ metallurgical engineer (P55,638), Computer
programmer (P43,573), Systems analyst/ systems designer (P42,112), Production
supervisor/ general foreman (P36,133), Actuarian (P35,480), Call center
representative/ customer service associate (P35,424) at Statistician (P35,010).
IN-
DEMAND JOBS SA PINAS
Lumalabas
naman sa pag-aaral na ang sampung in-demand courses sa Pilipinas ay ang Culinary
Arts ,
Business ,
Accounting, Engineering , IT, Nursing, Psychology, Graphic Design, Digital
Arts at Hotel & Restaurant Management. Kung mapapansin ito ang sikat na mga kursong karaniwang kinukuha
ng mga mag-aaral ngunit wala sa talaang inilabas ng BLE. Matatandaan na suliranin ng ating
bansa ang malaking bilang ng mga nagsipagtapos ng Nursing ngunit karamihan sa
kanila ay unemployed (walang trabaho) o under-employed (may trabaho ngunit
hindi sa kursong tinapos nila). Bago pa sila tuluyang makapagtrabaho ay
kinakailangan pa di umano nilang magbayad sa mga ospital bago sila tanggapin.
Karamihan din sa kanila ay kumuha ng kursong ito upang makapagtrabaho sa ibang
bansa ngunit nagkaroon din ng paghihigpit ang ating pamahalaan sa usaping ito
at kinakailangan muna nilang makapagtrabaho ng ilang taon sa Pilipinas bago
sila mangibang bayan.
Ito ay ilan lamang sa mga
seneryo na dapat mabatid ng mga mag-aaral upang mapag-isipan nilang mabuti ang
kursong kanilang kukunin. Naglabas din ng listahan ang DOLE (Department of
Labor and Employment), CHED (Commission on Higher Education) at PRC (Professional
Regulation Commission) ng mga kursong in-demand o mga kursong may mas malaking oportunidad ng hanapbuhay sa
Pilipinas sa mga darating na lima hanggang sampung taon. Sa pagsusuri sa mga
ito Geology, Meteorological Engineering
at Mining ang tatlo sa mga kursong parehas na inirekomenda ng naturang
tatlong ahensya na nararapat kunin ng mga mag-aaral. Idagdag pa na pasok ito sa
talaang inilabas ng BLE na may pinakamataas na sahod sa ating bansa.
TALAAN
NG MGA INIREKOMENDANG KURSO NG TATLONG AHENSYA SA ATING BANSA:
DOLE MOST IN-DEMAND JOB
|
CHED MOST EMPLOYABLE COURSES
|
PRC MOST IN-DEMAND COURSES
|
I. Agribusiness
a. Animal Husbandry
b. Agricultural Economist
c. Aqua-culturist
d. Coconut Farmer
e. Entomologist (Plant)
f. Farmer (Fruit, Vegetable and Root
Crops)
g. Fisherman
h. Horticulturist
i. Plant Mechanic
j. Rice Tresher Operator-Mechanic
k. Veterinarian
l. Pathologist
|
I. ENGINEERING
COURSES:
A. Mechanical
B. Electronics
C. Communication
D. Metallurgical
E. Biomedical
F. Computer
G. Chemical
H. Geodetic
I. Electrical
J. Meteorological
K.
Geological
L. Mining
|
A. Optometry
B. Guidance Counselling C. Mining Engineering D. Geology E. Social Work F. Medical Technology G. Pharmacy H. Metallurgical Engineering I. Library Science J. Physical Therapy K. Occupational Therapy L. Psychology |
II. Cyberservices
a. Call Center Agent
|
II. HEALTH SCIENCES:
A.
Pharmacy
B.
Radiology
Technology
C.
Medical
Technology
|
|
III. Health,
Wellness and Medical Tourism
a. Nurse
b. Herbologist
c. Optician
d. Optometrist
|
III. AGRICULTURE AND
RELATED FIELDS:
A.
Agro-Forestry
B.
Veterinary
Medicine
C.
Agricultural
Engineering
D.
Agricultural
Entrepreneurship
E.
Agribusiness
Management
F.
Agricultural
Technology
G.
Agriculture
H.
Fisheries
|
|
IV. Hotel and
Restaurant
a. Front Office Agent/Attendant
b. Baker
c. Food Server and Handler
d. Food and Beverage Service Attendant
e. Waiter
f. Bartender
g. Room Attendant
h. Other Housekeeping Services
i. Reservations Officer and other Frontline Occupation
j. Tour Guides
|
IV. EDUCATION (TEACHING): MAJOR IN:
A.
Math
B.
Science
C.
Physics
D.
Chemistry
E.
English
F.
Reading
G.
Educational
Media and Technology
H.
Special
Education (SPED)
|
|
V. Mining
a. Mining Engineer
b. Geodetic Engineer
c. Metallurgical Engineer
d. Mining &
Metallurgical Technician
|
V. INFORMATION
TECHNOLOGY:
A. Information Technology
B. Multi Media
C. Animation
D. Computer Science
E. Programming
F. Information Systems Management
|
|
VI. Construction
a. Fabricator
b. Pipe Fitter
c. Welder
VII. Banking and
Finance
a. Operations Manager
b. Teller
|
VI. SCIENCE AND MATH:
A.
BS in Math
B.
BS in Science
C.
BS in Physics
|
|
VIII. Manufacturing
a. Electrical Technicians
b. Finance and Accounting Managers
c. Food Technologist
d. Machine Operators
e. Sewer
|
VII. ARTS AND
HUMANITIES
A.
ATMOSPHERIC
SCIENCE
B.
ENVIRONMENTAL
SCIENCE
|
|
IX. Ownership
Dwellings, Real/ Retirement Estate
a. Building Manager
b. Construction Manager
c. Construction Worker
d. Foreman
e. Mason
f. Welder
g. Real Estate Agents/Brokers
h. Marketer
|
|
|
X. Transport and
Logistics
a. Checker
b. Maintenance Mechanics
c. Stewardess
|
|
|
XI. Wholesale and
Retail
a. Merchandiser/Buyer
b. Salesman/Saleslady
c. Promodizer
|
|
|
XII. Overseas
Employment
a. Domestic Helpers and Related Workers
b. Production and Related Workers
c. Nurses (theatre, anaesthetic,
critical care/ICU, pediatric, scrub,
and cardiac
d. Caregivers
e. Plumbers, Pipe-fitters, and Related
Workers
f. Cooks and Related Workers
g. Wiremen, Electrical, and Related
Workers
h. Welders, Flame-Cutters, and Related
Workers
i. Laborers, General Workers, and
Related Workers
j. Charworkers, Cleaners, and Related
Workers
|
|
|
TECH-VOC ISA PANG OPSYON
Ang mga
mag-aaral na karaniwang hindi na natutuloy sa kolehiyo ay yaong mga kapos sa pinansyal na pantustos sa
kanilang pag-aaral. Ngayon isa sa alternatibong maaari nilang gawin ay ang
pagpasok sa tinatawag na Technical Vocational Education and
Training (TVET) sa ilalaim ng pamamahala ng Technical Education and Skills
Development Authority (TESDA).
Ayon kay Sec. Joel Villanueva
(Director General ng TESDA) "I know the idea of a college or university
education is always appealing. But TVET is more affordable, hands-on, and the
path to a good job is shorter." Dagdag pa niya "TVET is a system that
churns out skilled workers who are the backbone of the Philippine's thriving
economy,"
Marami silang mga programa na
maaaring pagpilian mula anim na buwan hanggang dalawang taong pag-aaral at may
mga programa rin sila maaaring maging opsyon para ituloy ng mga mag-aaral ang
kanilang pag-aaral sa apat na taong kurso sa kolehiyo. Walang pinipiling edad
sa ahensyang ito at kahit ang mga propesyonal na ay maaaring pumasok dito upang
mag-aral ng ilang programa na pasok sa panlasa at kakayahan nila. Ang
oportunidad sa mga mag-aaral dito ay hindi lamang panlokal kundi
pang-internasyunal na hanapbuhay din dahil sa in-demand sa ibayong dagat ang mga
skilled-workers na isa sa pinakatampok ng TESDA. Sa katunayan, marami na ang
nakapangibang bansa matapos na magsanay sa kanilang ahensya lalong-lalo na ang
mga nagsipagtapos sa kanila ng Welding na isa sa hinahanap ngayon ng mga
employer sa ibang bansa na may mataas na sweldo.
Kayat hindi nakakapagtaka na mula
1.5 M na mag-aaral noong 2011 ay tumaas pa ito ng 1.7 M noong 2012. Sa datos na
ito, 1.5 M ang nakapagtapos sa taong ito 935,230 ang kumuha ng Assessment at
803,350 ang binigyan ng sertipikasyon mula sa kanilang mga espesyalisasyon.
Kaya’t hindi na nakakapagtaka kung bakit marami na ang pumapasok sa naturang
programa.
Sa kasalukuyan ay mayroong apat na
Training Modalities School-based ang TESDA, 57 administered schools, 60
training center, mayroon din silang Enterprized-based Training sa pamamagitan
ng mga DTS/Apprenticeship at Community-based Training in Convergence na
pinamamahalaaan ng mga LGU’s (Local Government Units). Maaari kayong
makipag-ugnayan sa mga tanggapang ito na malapit sa inyong lugar upang masagot
ang iba pa ninyong katanungan kung nagnanais na pumasok sa kanilang programa.
Sa
huli, nakasalalay pa rin sa kakayahan ng isang tao ang pagpili niya ng kurso.
Ang mahalaga sa tagpong ito ay pagbutihin ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral
upang sa hinaharap ay maging isang epektibo at mahusay na manggagawa ng ating
bansa na makakatulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento