Sabado, Setyembre 21, 2013

JUNE ARTICLES

Pag-aaral para sa kapus-palad


TINATAYANG  nasa mahigit 21 milyong mag-aaral ang pumasok sa mga pampublikong paaralan sa pagbubukas ng academic school year ngayong buwan, ayon sa Department of Education (DepEd).
Inaasahan na ng nasabing kagawaran ang buhos ng mga mag-aaral lalo’t maraming pribadong paaralan ang nagtaas ng matrikula dahilan para lumipat ang ilang estudyante sa mga pampublikong paaralan.
Bukod sa Oplan Balik Eskuwela na sakop ang pagsasaa­yos at pagpapatayo ng mga bagong gusali sa mga paaralan, pagdaragdag ng mga guro at maging ang pagsasagawa ng alternatibong paraan upang makapagtamo ng edukasyon ang lahat ng gustong makapag-aral, layunin din ng pamahalaan ang pagsasakatuparan ng “Education for All” na walang pinipiling edad ang pag-aaral upang ang lahat ay makamit ang Functional Literacy oras na sila ay makapagtapos.
Upang mas maging epektibo ang layuning ito, inilunsad ang Open High School Program.
ALTERNATIBONG PAG-AARAL
Ito ay sinimulan noong 1998 bilang bahagi ng Drop Out Reduction Program (DORP) ng DepEd na pinondohan ng Asian Development Bank. Ngayon ay pinapangasiwaan ito ng Bureau of Secondary Education (BSE) ng DepEd na isinasagawa na sa mga piling paaralan sa buong bansa.
Ito ay isang alternatibong paraan ng pag-aaral para sa mga estudyante na huminto sa pagpasok sa eskuwela, drop outs at hindi kayang pumasok sa regular na klase dahil sa mga ilang kadahilanan. Walang pinipiling edad o kasarian ang programang ito at kahit na ang mga naghahanapbuhay na at gustong makatapos ng high school ay maaari nang makapagtapos.
Bukas ito sa lahat ng mga kwalipikadong Pilipino na nakapasa ng elementarya o mga pre-requisite subjects para sa magiging lebel sa high school. Kinakailangan ding kumuha ng pagsusulit sa Philippine Educational Placement Test (PEPT) at sumailalim sa dalawa pang pagsusulit na Informal Reading Inventory (IRI) para masukat ang kakayahan sa pagbabasa at Independent Learning Readiness Test (ILRT) para malaman ang kakayahan ng mga ito para sa  pansariling pagkatuto (self-directed learning).
Ikinatuwa naman ni Roland, 19-anyos, ang balitang ito. Tatlong taon na kasi siyang hindi nakapagpatuloy ng hayskul dahil sa kahirapan, “Masayang-masaya ako, makapag-aaral na ako uli, kasi pangarap ng magulang ko makapagtapos ako, pero dahil hindi namin kaya, huminto ako,” aniya.
Nanghinayang man ang mga magulang niya sa desisyong patigilin siya sa pag-aaral, isa itong bagong pag-asa para sa kanilang pamilya, “Matalinong bata, sayang kung hindi niya itutuloy dahil wala kaming pera,” anila.
Dagdag pa nila, oras naman na makapagtapos na siya ng sekondarya ay papasok siya sa kolehiyong gusto niya at kukuha ng scholarship.
DISTANCE LEARNING PROGRAM
Ang OHSP ay isang  distance learning program kung saan natututo ang mga mag-aaral nang hindi pumapasok sa regu­lar na klase at kadalasan ay sa bahay lamang sila nag-aaral. Isang beses sa isang linggo kung magkita-kita ang mga mag-aaral sa naturang programa upang makaharap ang kanilang mga guro para sa pagtalakay ng mga aralin.
May tatlong pamamaraan na ginagamit dito, ang modular, internet-based at blended technology. Sa modular approach ay ibinibigay sa mga mag-aaral ang lahat ng mga modyuls o libro na kanilang ginagamit sa bawat asignatura kung saan pag-aaralan nila ito sa bahay (self-study) at pagkaraan ay bibigyan sila ng pagsusulit. 
Ngunit karamihan sa mga paaralan na nagbibigay ng programa ng OHSP ay pinapapasok sa paaralan ng isang beses sa isang linggo ang mga mag-aaral upang magkaraoon ng talakayan katulad ng ginagawa sa Gregorio Perfecto High School sa Tondo, Manila. Dito ay hindi bababa sa 30 mag-aaral ang naka-enroll sa bawat antas at nadaragdagan pa.
Ang Internet-based Approach naman ay isinasagawa pa lamang sa accredited OHSP sa Baguio, Cebu at Davao. Pinag-aaralan pa lamang ang pamamaraang ito at sinasabing maipakikilala nang pormal pagkalipas ng apat na taon matapos ang masusing ebalwasyon.
Samantalang ang Blended Technology ay kombinasyon ng dalawang naunang pamamaraan.
BUKAS NA OPORTUNIDAD SA PAGTUPAD NG PANGARAP
Bagama’t hindi regular ang klase sa OHSP ay itinuturing pa rin itong “formal and structured learning” dahil ang mga itinuturong paksa sa bawat asignatura at mga pagsusulit na ibi­nibigay sa mga ito ay tulad sa mga mag-aaral na pumapasok araw-araw. 
Bukod dito ay bukas sa lahat ng pagkakataon ang OHSP kung saan nakadepende sa mag-aaral ang oras ng kaniyang pagpasok basta maipasa niya ang lahat ng asignatura hanggang sa matapos niya ang anim na taon sa high school.    
Ang ilan sa mga paaralang may OHSP sa Metro Manila na maaaring puntahan upang makapag-enroll ay ang mga sumusunod: Benigno Aquino National High School (Makati), Gregorio Perfecto High School (Manila), Rizal High School - Main (Pasig), Ramon Magsaysay High School (Cubao), Quezon City National High School (Quezon City), Lagro National High School (Quezon City), Commonwealth High School (Quezon City), Marikina National High School (Marikina), Malabon National High School (Malabon ), Tinajeros National High School (Malabon) at Caloocan National High school (Caloocan City).
Nakatutuwang isipin na sa kasalukuyan ay napakarami nang mapagpipilian ang mga tao sa iba’t ibang larangan at unti-unting nagiging bukas ang pananaw ng mga Pilipino sa naturang pagbabago. 
Kaya nagiging pangkaraniwan na rin sa ngayon ang mga balitang isang may edad ang nakapagtapos ng hayskul sa kabila ng kanyang katandaan  at pursigidong makapasok sa kolehiyo. 
Dahil sa mga pagkakataong ito, dumarami pa ang nagkakalakas ng loob na bumalik sa pag-aaral na naniwalang hindi pa huli ang lahat para patuloy na maabot ang pa­ngarap.




May Article



Pagsugpo sa Korapsyon, Ipinagdiriwang!
ni Wilma E. Hermogenes
               
Ilang araw mula ngayon ay malaman na natin kung sino ang pumasa sa panlasa ng mga botante matapos ang mala-teleseryeng pangangampanya ng mga pulitiko para sa halalang sa taong ito. Sa buwang ito, kasabay ng pambansang halalan ang pagdiriwang ng “Anti-Graft and Corruption Awareness Month.”  Hindi ba’t tila kakambal na pulitika ang korapsyon na madalas idinidikit sa mga opisyal ng pamahalaan at sa panahon ng pangangampanya isa ito sa ipinupukol na pambabatikos ng mga magkatunggali sa pulitika.
Buwan ng Paglaban sa Korapsyon
            Sa bisa ng Proclamation No. 591, s. 2004, idinerekla ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo ang Mayo bilang buwan pagpapamulat sa mga mamamayan ng pagsugpo ng korupsyon sa ating bansa na tinatawag na “Anti-Graft and Corruption Awareness Month.”  Layunin ng batas na ito na mapaigting ang integridad at katapatan ng lahat ng mga kawani ng pamahalaan na siyang magtutulong-tulong upang ipalaganap ang mga impormasyon sa pagsugpo ng korapsyon sa ating bansa. Gayundin ang pagpapaalam sa mga mamamayan ng mga proyektong isinasagawa ng pamahalaan laban sa korapsyon na may malaking epekto sa lagay ng ekonomiya ng ating bansa. Isinusulong din ng batas na ito ang pagiging bukas ng pamahalaan sa mamamayan o transparency at pananagutan ng mga pinuno nito sa kanyang nasasakupan.
            Kung kaya’t sa kabuuan ang buwan na ito ay ang pagtutulungan ng lahat ng mga Pilipino sa pagsugpo ng korapsyon sa ating bansa.
Unang Hakbang sa Pagpapamulat
Dahil nga ang pangunahing layunin ng pagdiriwang na ito ay ang pagpapamulat sa mga mamamayan patungkol sa korapsyon ay mas maiging maunawaan ng mga ito ang kahulugan at uri nito. Sa diksyonaryo, ganito ang pagbibigay kahulagan ng mga salitang ito: graft –unscrupulous use of one's position to derive profit or advantages/extortion at corruption - include graft, bribery, embezzlement, backdoor deals, nepotism, patronage. Kaya’t kung iisipin ang korapsyon ay ang paggamit ng isang taong may posisyon na makakuha ng mga bagay na pabor sa kanya na maaaring sa pamamagitan ng panunuhol at pailalim na mga transaksyon.
Ayon sa isang pag-aaral ng PCTC, mayroong walong uri ng korapsyon na madalas na nangyayari sa ating bansa. Ito ang tax evasion na kung saan dinaraya ang pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng mali/hindi pagdidiklara ng lahat ng kaniyang ari-arian, ghost projects and payrolls na karaniwang nagaganap sa mga tanggapan ng pamahalaan na kung saan may mga proyektong pinondohan ng pamahalaan na hindi nakikita at mga manggagawang pinapasweldo ngunit wala sa opisina, evasion of public bidding in awarding of contracts na nagbibigay sa mga kompanya ng mga proyektong pampamahalaan para sa sarili nilang interes na kung saan ay  nagkakaroon ng dayaan sa budget at naisasakripisyo ang kalidad ng proyekto, passing of contracts na nagdudulot ng pagkaantala o di pagtapos ng mga proyektong pang-instraktura dahil sa papalit-palit ng kontraktor, nepotism and favoritism na nagtatalaga ng mga kamag-nak o kaibigan sa ilang posisyong pampamahalaan kahit na walang sapat na karanasan at kakayahan, extortion o panghihingi ng pera kapalit ng isang pabor sa transaksyong kanilang isinasagawa, protection money o pangongotong para maproteksyonan ang mga ilegal na gawain o transaksyon sa isang komunidad at bribery o paglalagay sa mga opisyal kapalit ang isang mabilis na transaksyon sa isang opisina o karaniwang ginagawa ng mga taong tinatawag na mga fixers.
Ugat ng Korapsyon
            Sa ating kasaysayan, masasabing sa panahon ng mga Kastila nagsimula ang korapsyon sa ating bansa na kung saan laganap ang pang-aabuso sa mga Pilipino at karaniwang may katumbas na salapi ang lahat ng kilos ng mga tao. Hanggang sa nagpatuloy ito sa paglipas ng panahon at sa pag-aaral na isinagawa ni Nelson Nogot Moratalla sa kanyang Graft and Corruption: The Philippine Experience sa 113th International Training Course Participants Papers naitala sa panahon ni Png. Marcos ang may pinakamaraming kaso ng korapsyon sa ating bansa batay na rin sa mga datos mula sa Sandiganbayan at Ombudsman.
            Lumalabas sa napakaraming pag-aaral na nag-ugat sa ating kultura ang pag-usbong ng korapsyon sa ating bansa. Ang pakikikapag-kapwa tao na madalas na nagdudulot ng isang gawain kapalit ng pakikisama, maging ang close family ties na karaniwang nagbubunga ng pagluluklok ng mga kamag-anak sa gobyerno at political dynasty sa ating bansa na nagreresulta sa pagkagumon sa kapangyarihan, ang hilig ng mga Pilipino sa pagbibigay ng mga regalo na kung hindi maganda ang hangarin ay nauuwi sa paghingi ng pabor at kinalaunan ay nauuwi sa ugali natin sa pagtanaw ng utang na loob kaya napipilitan ang ilan na gumawa ng isang hakbang bagamat labag sa pamantayan.
Paglaban, Pagsugpo at Pagbabago
            Hindi rin naman nagpapabaya ang ating pamahalaan upang masugpo ang korapsyon, sa katunayan ay mayroong mga legal na pamamaraan na isinagawa ang iba’t ibang administrasyon sa paglaban ng suliraning ito tulad ng Republic Act No. 3019  Anti-Graft and Corrupt Practices Act of 1960, Republic Act No. 6713 Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees of 1989, maging si Pang. Estrada na nakasuhan  noon na nagdulot ng pagpapatalsik sa kanya sa pwesto ay naisabatas ang PROCLAMATION NO. 189 na nagsasaad ng “Declaring war against graft and corruption and authorizing the Philippine Jaycee Senate thru the graft free Philippines Foundation, Inc. to institutionalize public awareness about a clean, efficient and honest governance.
            Nagtalaga rin ang pamahaalaan ng mga Constitutional Anti-Corruption Bodies na siyang didinig sa mga kasong ito. Nariyan ang Office of the Ombudsman na siyang mag-iimbistiga ng mga kaso at magsisilbing “people’s watchdog”ng pamahalaan, Civil Service Commission (CSC) na gumagabay sa lahat ng kawani ng pamahalaan upang maging epektibo at huwarang manggagawa, Commission on Audit (COA) ang tagabantay o watchdog ng mga pinansyal na operasyon ng pamahalaan at ang Sandiganbayan na nagsisilbing anti-graft court of the Philippines.
Katulong din nila ang iba pang ahensya ng pamahalaan tulad Department of Justice (DOJ) na nagsasagawa ng preliminary investigations sa mga kasong criminal laban sa opisyal ng pamahalaan, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na gumagawa ng mga fact-finding investigations at entrapment operations, Presidential Commission on Good Government (PCGG) na umaalam sa mga tagong yaman ng ilang opisyal, Presidential Commission against Graft and Corruption sa ilalim ng Executive Order No. 151 at Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council na binubuo ng Commission on Audit, the Civil Service Commission, the Ombudsman, the Department of Justice, the National Bureau of Investigation and the Presidential Commission against Graft and Corruption.
            Bukod sa mga ito, tayong mamamayan ay mayroon ding gampanin na dapat na gawin sa simpleng pamamaraan na ating naiisip upang makipagtulungan sa pamahalaan sa pagsugpo ng korapsyon tungo sa pagbabago.
Korapsyon sa Pinas, Lumala o Malapit ng Nawala?
            Noong 1980’s naitala sa Guinness Book of World Records ang Pilipinas na may pinakamatinding korapsyon sa kasaysayan at sa isang talumpati ni Archbishop Manila Jaime Cardinal Sin noong 1988 nasabi niya na “corruption was the biggest problem of them all.”
            Sa pag-aaral naman ng World Bank noong 2008 ang korapsyon sa Pilipinas ang pinakamalala sa East Asia. Sa sumunod na taon, ayon sa naitala ng Corruption Perceptions Index gumanda ng kaunti ang kalagayan ng bansa ngunit nananatili itong seryoso na kung saan ang Pilipinas ay nasa ika-139 na pwesto sa 180 bansa at mayroong 2.4 sa TI Index.
            Ang Transpararency International ay ang watchdog ng CPI (Corruption Perceptions Index) na nagsasagawa ng pag-aaral upang malaman ang lebel ng korapsyon sa mga bansang nakalata sa TI na gumagamit ng pamamaraan ng pagmamarka na 0-10. Kung saan ang 0 ay nangangahulugan na ang bansa ay matindi ang korapsyon at 10 na maayos at malinis ang isang bansa.
            Noong 2012, naipwesto ang Pilipinas sa ika-105 na mayroong 3.4 CPI sa 176 na bansa. Mas mataas ito noong 2011 na kung saan nasa ika-129 na pwesto ang bansa at may 2.6 CPI. Ayon sa Transparency International-Philippines ilan sa mga dahilan ng pagtaas na ito ay pagpapabuti ng serbisyo ng pamalaan at pagputol ng red tape sa bansa.Naniniwala rin ang grupo na nakatulong ang paghahablang isinagawa ng pamahalaan kay dating Pang. Arroyo na nagkaroon ng magandang persepsyon sa mga mamamayan sa seryosong pagsugpo ng korapsyon.
            Sunod-sunod na rin ang natatanggap na papuri ng Pilipinas sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa loob at labas ng ating bansa. Patuloy ring pumapasok ang iba’t ibang negosyo at tumataas ang kalagayan ng Pilipinas sa Stock Exchange. Pagpapatunay diumaano ito na seryoso ang ating pamahalaan sa pagsugpo ng korapsyon at tahakin ang tuwid na daan.
            Nakakatuwa ang mga huling datos na nailabas ngunit kung sa pagtatanong sa ilang mamamayan ay iisa ang kanilang sagot “hindi na di umano mawawala ang korapsyon sa ating bansa.” Marahil hindi pa ganap na mararamdaman ang gumagandang lagay ng ating bansa ngunit huwag sana tayong tumigil na labanan ang isa sa nagpapalala sa kahirapan ng ating bansa at magpatuloy tayo sa paglaban ng korapsyon sa Pilipinas.

April Articles



KURSONG DI SIKAT,
CAREER AY MAS ANGAT SA HINAHARAP!
ni Wilma E. Hermogenes

Kamakailan lamang ay marami ang nagsipagtapos ng hayskul, maaaring ang ilan dahil sa kahirapan ay magtatrabaho na lamang upang makatulong sa kanilang pamilya samantalang ang iba ay pinaghahandan ang panibagong yugto ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit marami pa rin sa mga nagsipagtapos ang naguguluhan kung anong kurso ang kanilang pipiliin na makapagbibigay sa kanila ng magandang hanapbuhay sa hinaharap.
PAGPILI NG KURSO SA KOLEHIYO
            Taon-taon ay nagsasagawa ang DepEd ng NCAT (National Career Assessment Test) para sa mga magsisipagtapos ng hayskul, nakakatulong ito upang makapamili ang mga mag-aaral ng kursong kanilang kukunin sa kolehiyo dahil sa resulta ng pagsusulit na ito ay lumilitaw kung saang aspeto may angking husay ang bawat mag-aaral. Nagsisilbi lamang itong gabay para sa kanila ngunit ang pagpili pa rin ng kursong kanilang kukunin ay nakadepende sa kanilang kagustuhan at kung minsan ay sa kagustuhan ng kanilang mga magulang na lumilitaw sa mga pag-aaral na may malaking di magandang epekto dahil sa napipilitan ang mga ito na pag-aralan ang isang kurso na wala sa kanilang kakayahan.
            Ayon kay Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz ng DOLE (Department of Labor and Employment) “Graduating high school students, and the seniors following them should realize this early the significance of making wise and excellent career decisions. They themselves can help resolve the jobs and skills mismatch problem by pursuing courses and skills that would easily fit them into jobs or entrepreneurship opportunities in the labor market,” Dagdag pa niya “I also advise them to refrain from choosing courses based on what’s in vogue or fashionable, or, to use the popular social lingo of the youth, what’s “trending” and popular. Just because a neighbor’s son or daughter will take up this or that course does not mean you should follow suit.”
HINDI SIKAT PERO SWELDO’Y HEBIGAT
Marami di umanong kurso na hindi kilala ngunit ang mga ito ang may matataas na sahod at demand tulad ng nakatala sa pinakabagong pag-aaral ng Bureau of Local Employment (BLE) na sampung may pinakamataas na sahod sa Pilipinas: Art director (P69,286), Geologist (P64,889), Aircraft pilot/ navigator/ flight engineer (P57,789) Mining engineer/ metallurgical engineer (P55,638), Computer programmer (P43,573), Systems analyst/ systems designer (P42,112), Production supervisor/ general foreman (P36,133), Actuarian (P35,480), Call center representative/ customer service associate (P35,424) at Statistician   (P35,010).

IN- DEMAND JOBS SA PINAS
Lumalabas naman sa pag-aaral na ang sampung in-demand courses sa Pilipinas ay ang Culinary Arts , Business , Accounting,  Engineering , IT,  Nursing,  Psychology, Graphic Design, Digital Arts at  Hotel & Restaurant Management. Kung mapapansin ito ang sikat na mga kursong karaniwang kinukuha ng mga mag-aaral ngunit wala sa talaang inilabas  ng BLE. Matatandaan na suliranin ng ating bansa ang malaking bilang ng mga nagsipagtapos ng Nursing ngunit karamihan sa kanila ay unemployed (walang trabaho) o under-employed (may trabaho ngunit hindi sa kursong tinapos nila). Bago pa sila tuluyang makapagtrabaho ay kinakailangan pa di umano nilang magbayad sa mga ospital bago sila tanggapin. Karamihan din sa kanila ay kumuha ng kursong ito upang makapagtrabaho sa ibang bansa ngunit nagkaroon din ng paghihigpit ang ating pamahalaan sa usaping ito at kinakailangan muna nilang makapagtrabaho ng ilang taon sa Pilipinas bago sila mangibang bayan.    

Ito ay ilan lamang sa mga seneryo na dapat mabatid ng mga mag-aaral upang mapag-isipan nilang mabuti ang kursong kanilang kukunin. Naglabas din ng listahan ang DOLE (Department of Labor and Employment), CHED (Commission on Higher Education) at PRC (Professional Regulation Commission) ng mga kursong in-demand o mga kursong may mas  malaking oportunidad ng hanapbuhay sa Pilipinas sa mga darating na lima hanggang sampung taon. Sa pagsusuri sa mga ito Geology, Meteorological Engineering at Mining ang tatlo sa mga kursong parehas na inirekomenda ng naturang tatlong ahensya na nararapat kunin ng mga mag-aaral. Idagdag pa na pasok ito sa talaang inilabas ng BLE na may pinakamataas na sahod sa ating bansa.

TALAAN NG MGA INIREKOMENDANG KURSO NG TATLONG AHENSYA SA ATING BANSA:
DOLE MOST IN-DEMAND JOB
CHED MOST EMPLOYABLE COURSES
PRC MOST IN-DEMAND COURSES
I. Agribusiness
      a. Animal Husbandry
      b. Agricultural Economist
      c. Aqua-culturist
      d. Coconut Farmer
      e. Entomologist (Plant)
      f. Farmer (Fruit, Vegetable and Root Crops)
      g. Fisherman
      h. Horticulturist
      i. Plant Mechanic
      j. Rice Tresher Operator-Mechanic
      k. Veterinarian
      l. Pathologist
I. ENGINEERING COURSES:
    A. Mechanical
    B. Electronics
    C. Communication
    D. Metallurgical
    E. Biomedical
    F. Computer
    G. Chemical
    H. Geodetic
    I. Electrical
    J. Meteorological
    K. Geological
    L. Mining
A. Optometry
B. Guidance Counselling
C. Mining Engineering
D. Geology

E. Social Work
F. Medical Technology
G. Pharmacy
H. Metallurgical Engineering
I. Library Science
J. Physical Therapy
K. Occupational Therapy
L. Psychology
II. Cyberservices
      a. Call Center Agent
II. HEALTH SCIENCES:
A.         Pharmacy
B.         Radiology Technology
C.         Medical Technology

III. Health, Wellness and Medical Tourism
      a. Nurse
      b. Herbologist
      c. Optician
      d. Optometrist
III. AGRICULTURE AND RELATED FIELDS:
A.         Agro-Forestry
B.         Veterinary Medicine
C.         Agricultural Engineering
D.         Agricultural Entrepreneurship
E.          Agribusiness Management
F.          Agricultural Technology
G.         Agriculture
H.         Fisheries

IV. Hotel and Restaurant
      a. Front Office Agent/Attendant
      b. Baker
      c. Food Server and Handler
      d. Food and Beverage Service Attendant
      e. Waiter
      f. Bartender
      g. Room Attendant
      h. Other Housekeeping Services
       i. Reservations Officer and other  Frontline          Occupation
       j. Tour Guides
IV. EDUCATION (TEACHING): MAJOR IN:
A.         Math
B.         Science
C.         Physics
D.         Chemistry
E.          English
F.          Reading
G.         Educational Media and Technology
H.         Special Education (SPED)

V. Mining
      a. Mining Engineer
      b. Geodetic Engineer
      c. Metallurgical Engineer
      d. Mining & Metallurgical Technician
V. INFORMATION TECHNOLOGY:
    A. Information Technology
    B. Multi Media
    C. Animation
    D. Computer Science
    E. Programming
    F. Information Systems Management

VI. Construction
     a. Fabricator
     b. Pipe Fitter
     c. Welder
VII. Banking and Finance
      a. Operations Manager
      b. Teller
VI. SCIENCE AND MATH:
A.         BS in Math
B.         BS in Science
C.         BS in Physics



VIII. Manufacturing
     a. Electrical Technicians
     b. Finance and Accounting Managers
     c. Food Technologist
     d. Machine Operators
     e. Sewer
VII. ARTS AND HUMANITIES
A.         ATMOSPHERIC SCIENCE
B.         ENVIRONMENTAL SCIENCE

IX. Ownership Dwellings, Real/ Retirement Estate
     a. Building Manager
     b. Construction Manager
     c. Construction Worker
     d. Foreman
     e. Mason
      f. Welder
     g. Real Estate Agents/Brokers
     h. Marketer


X. Transport and Logistics
     a. Checker
     b. Maintenance Mechanics
     c. Stewardess



XI. Wholesale and Retail
     a. Merchandiser/Buyer
     b. Salesman/Saleslady
     c. Promodizer


XII. Overseas Employment
     a. Domestic Helpers and Related Workers
     b. Production and Related Workers
     c. Nurses (theatre, anaesthetic, critical care/ICU,   pediatric, scrub, and cardiac
     d. Caregivers
     e. Plumbers, Pipe-fitters, and Related Workers
     f. Cooks and Related Workers
     g. Wiremen, Electrical, and Related Workers
     h. Welders, Flame-Cutters, and Related Workers
      i. Laborers, General Workers, and Related Workers
      j. Charworkers, Cleaners, and Related Workers



TECH-VOC ISA PANG OPSYON 

            Ang mga mag-aaral na karaniwang hindi na natutuloy sa kolehiyo ay yaong  mga kapos sa pinansyal na pantustos sa kanilang pag-aaral. Ngayon isa sa alternatibong maaari nilang gawin ay ang pagpasok sa tinatawag na Technical Vocational Education and Training (TVET) sa ilalaim ng pamamahala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
           
Ayon kay Sec. Joel Villanueva (Director General ng TESDA) "I know the idea of a college or university education is always appealing. But TVET is more affordable, hands-on, and the path to a good job is shorter." Dagdag pa niya "TVET is a system that churns out skilled workers who are the backbone of the Philippine's thriving economy,"

Marami silang mga programa na maaaring pagpilian mula anim na buwan hanggang dalawang taong pag-aaral at may mga programa rin sila maaaring maging opsyon para ituloy ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral sa apat na taong kurso sa kolehiyo. Walang pinipiling edad sa ahensyang ito at kahit ang mga propesyonal na ay maaaring pumasok dito upang mag-aral ng ilang programa na pasok sa panlasa at kakayahan nila. Ang oportunidad sa mga mag-aaral dito ay hindi lamang panlokal kundi pang-internasyunal na hanapbuhay din dahil sa in-demand sa ibayong dagat ang mga skilled-workers na isa sa pinakatampok ng TESDA. Sa katunayan, marami na ang nakapangibang bansa matapos na magsanay sa kanilang ahensya lalong-lalo na ang mga nagsipagtapos sa kanila ng Welding na isa sa hinahanap ngayon ng mga employer sa ibang bansa na may mataas na sweldo.

Kayat hindi nakakapagtaka na mula 1.5 M na mag-aaral noong 2011 ay tumaas pa ito ng 1.7 M noong 2012. Sa datos na ito, 1.5 M ang nakapagtapos sa taong ito 935,230 ang kumuha ng Assessment at 803,350 ang binigyan ng sertipikasyon mula sa kanilang mga espesyalisasyon. Kaya’t hindi na nakakapagtaka kung bakit marami na ang pumapasok sa naturang programa.

Sa kasalukuyan ay mayroong apat na Training Modalities School-based ang TESDA, 57 administered schools, 60 training center, mayroon din silang Enterprized-based Training sa pamamagitan ng mga DTS/Apprenticeship at Community-based Training in Convergence na pinamamahalaaan ng mga LGU’s (Local Government Units). Maaari kayong makipag-ugnayan sa mga tanggapang ito na malapit sa inyong lugar upang masagot ang iba pa ninyong katanungan kung nagnanais na pumasok sa kanilang programa.

Sa huli, nakasalalay pa rin sa kakayahan ng isang tao ang pagpili niya ng kurso. Ang mahalaga sa tagpong ito ay pagbutihin ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral upang sa hinaharap ay maging isang epektibo at mahusay na manggagawa ng ating bansa na makakatulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.