Biyernes, Agosto 10, 2012

Kamera


                 Sa anim na taon kong ginugol sa naturang luklukan masasabi kong ang unang apat na pamamalagi ko roon ay hindi kasing kapana-panabik sa mga sumunod na taon. Umiikot ang aking mundo sa pagpasok sa tamang oras at gugulin ang buong maghapon sa kung ano ang itinakda nila at sa pagsapit ng itinakdang oras lilisanin ko ang naturang silid ng wala ng ibang iniisip kundi ang umuwi at gampanan ang pinakamahalaga kong tungkulin.Kung hindi nakaharap sa mga musmos na nilalang at magpunla ng kaalaman madalas ang imaheng mabubuo sa isang obra kung ako ang kanyang pyesa ay isang nilalang nakaupo at nakasubsob sa lamesa o di kaya'y nakikipag-usap ng masinsinin sa dalawang tao na siya lamang pinagkakatiwalaan ko sa lugar na iyon. Maaari rin namang nakatahimik habang nagmamasid sa mga nangyayari sa paligid at makikita lamang na magsasalita kung hinihingi ng pagkakataon. Hindi naman kami pabigat, sa katunayan maipagmamalaki kong isa kami sa mga dapat panghinayangan kung kamiy kanilang papakawalan ngunit iyon nga lamang maipipintas sa aming kahinaan ang kawalan namin ng panahon na makipag-ugnayan sa lahat ng taong naroon. laging sambit "ok lang po kami" o kaya naman "hindi po kami sasama".



                          Sa larawan sa itaas iyong kakulay ko ang damit ang tanging nanatili at nagpatuloy ng aming nasimulan ngunit matapos nilang umalis higit na naging makulay ang aming buhay. Unti-unti lumawak ang aming mundo, kung dati-rati sa apat na sulok ng silid at sa aming lamesa lamang ang aming ginagalawan nawala ang mga harang na kami lamang ang may gawa at higit namin naipakilala ang aming sarili sa mga tao na noo'y kinakatakutan naming kausapin at napag-isipan pa namin ng hindi maganda. Kung may mga umalis madami naman ang dumating na naging bahagi ng aming buhay at pagbuo ng aming pagkatao. Sa madaling sabi, naibuka namin ang aming mga pakpak at higit na naging kapaki-pakinabang sa institusyong aming pinapahalagahan.

Trahedya....

                               Simbilis ng takbo ng naturang sasakyan ang mga pagbabago sa taong 2010. Isang kapamilya ang binawian ng buhay ngunit naging daan upang mabuo ang isang samahan na kailan man ay di ko akalaing magkakasama-sama dahil na rin sa pagkaiba-iba ng personalidad. Ang isang lugar na pinangingilagan naming puntahan dahil itinuturing naming para lamang sa kanila at kanilang baluarte ay aming napwestuhan. Nagbukas din sa amin ang mga puso ng mga nilalang na kabalintunan ng nasa aming isipan dahil naipadama nila sa amin ang tunay nilang pagkakakilanlan kaya't nakatamdam ako ng hiya sa maling pagkakakilala sa kanila na ipinunla ng mga maling tao na aming unang nakasama. Ngunit salamat sa itaas dahil naipamulat Niya kami sa katotohanan at di pa huli ang lahat upang sila'y aming lubusan pang makilala...


Karnabal...
tsubibong umiikot
tahanang malambot
bangkang lumipad
paikot-ikot na uod

tinig na humiyaw
walang humpay na sayaw
kabilaang ingay
lakarang walang humpay

                             Sa malamig na buwan ng Disyembre pinag-init nito ang mga tao sa paglahok sa mga iba't ibang tagpo sa paaralan. Tila nadala ang Disneyland sa amin, hindi dahil sa mga atraksyon na naroon ngunit dahil sa kakaibang ligaya na naidulot nito sa amin. Ang paunti-unting hakbang ay naging mabilis dahil nabuo ang isang samahan na nagsimula dahil sa iisang hilig... ANG MAGPAKUHA NG LITRATO. 


 
 

                               Iyan ang unang hakbang ng aming pagbibigkis, biglaan.. nagkayayaang magpunta sa karnabal at inabot ng gabi ganyan na ang nangyari. Hindi pa kami ganap na magkakalapit noon pero kung mapapansin sa mga larawan tila sinubok na ng panahon ang lahat. Dito na nabuo ang aming pamilya... 


 
 HAMPS UNIVERSITY  
Hilig Ang Magpa-Picture Society
Founded Dec.9, 2010

                           Hindi na kami napaghiwalay pa simula ng mabuo ito at naibahagi sa isa't isa ang sarili. Bagamat may magkakaibang katangian swak pa rin dahil na rin sa magandang halimbawang ipinapakita ng mga taong gumagabay sa amin. Ang mundo ko noon na napakatahimik biglang umingay dahil naipakita ko kung sino ba talaga ako kayat di nakapagtatakang napakarami ang sa akin ay nagulat. Nakahanap ng mga bagong ka-buddy na halos katulad ko ang mga kabaliwan ngunit syempre nanatili ako sa tabi ng isang tao na hindi ko kayang iwan, ang tao na nakasama ko sa pagsisimula ko sa luklukang ito. 

KABALIWANG HABAGAT
  Pinanindigan talaga namin ang kahulugan ng aming samahan at sa bawat lugar na mapupuntahan namin at aming nagustuhan nakahanda na ang pagpitik ng kamera. Hindi na nga mabilang ang mga nakuhanang tagpo, mga di matatawarang mga ngiti, kakaibang mga anggulo at nahuling mga kakatwang anyo ngunit sa napakaraming iyon ang tanging di naisakatuparan ang aming Tag Line na WE DEVELOP PICTURES (hahahahaha walang hilig puro lamang post sa FB). 

                          Tila nagkaroon din kami ng impak sa mga tao sa aming paligid. Nakamasid sila sa mga hakbang na aming mga ginagawa. Napupukaw namin ang kanilang atensiyon na di naman namin intensyon at nagiging kaabang-abang sa kanila kung anong ingay ang aming gagawin. Sabagay kung iisipin at hindi naman sa pagyayabang kaming lahat sa aming pamilya may ibubuga, nag-iisip kung ano ba ang tama at siyang nakakabuti hindi lamang basta magpasikat. Higit pa sa lahat ang gusto namin ay magsaya kasabay ng paggawa sa kung ano ang nararapat. Marahil iyan ang mga pangunahing dahilan kung bakit nakabuo kami ng marka sa iba. 


                          Sa unang taon namin talagang tamang piktur kami


MCU Foundation Day Dec. 2010
Masasabing panimula ng lahat ng magagandang alaala 
at nagbuklod sa isang samahang hindi matatawaran. 

 

 PTA Family Day 2010
B-I-N-G-O
BINGO!
Naka-BINGO  rin ako na makapiling ang mga taong ito sa pagtatapos ng taon.

 

Rocel Wedding Dec. 18
Unang espesyal na okasyon  sa piling ng isa't isa. Ang masaksahin ang pag-iisang dibdib ng isa sa aming kapamilya. Dito na rin nabuo at IPINIPILIT na magkaroon ng opisyal na mag-partner sa pamilya. 
Walang kasingsaya kapag sila ang tampulan ng tuksuhan, hayss sana nga
malamang HENYO ang magiging anak nila :)




Math and Science Week 2011
Nakigulo kami sa isa  sa mga gumagabay sa aming nakababata. 
Feeling ko kasi bahagi ako ng Department nila, iba kasi sila
mag-organize at masaya ako sa mga pakulo nila :P

 
MCU Scout 3rd Camping 
Unang pagkakataon kong sumali sa Camping sa loob ng 5 taon 
kong pananatili sa MCU, syempre impluwensiya rin yun  
ng aming gabay at maka-bonding ang tropa :)
Hindi ko man tinapos ang camping, masaya pa rin!!!

 
Mariz Bday
Kaarawan ng aking pinakamamahal na si Mariz :)
Pagdiriwang sa Yellow Cab na bihira namin makainan.
Alam mo na mahal hehehehe.
Masayang ibahagi sa mga kaibigan mo ang isang taong
napakahalaga sa buhay mo.

 
JS Prom 2011
Pinakamasaya at hinding-hindi ko malilimutan na  JS na nadaluhan ko .
Overnyt stay sa Diamond Hotel at nakakaloka ang aming mga
kuhang larawan dito. Nakasilid pa kami sa Executive Room :)))

  
Field Demo 2011
Sayang muntik na kaming makumpleto hehehehe...
Nagpagawa kami ng T-shirt namin kaya UNIFORM.
Narinig ng iba yung plano namin kaya ayun, nagbalak din sila 
na gumaya kaso mukhang di sila nagkasundo ahahaha :)) 
 
 
Nakakuha ng tambayan!!!
BAREZZO... 
Kapag may selebrasyon at kailangan ng espesyal na miting ngunit 
hindi kaya ng budget... dito kami  pumupunta.
Hehehehe tipong fud3p at nomo-nomo :P
Kaso nung huli naming punta rito, nabanas kami
nabitin kami sa kanin ahahahah..

CAT Grad...
Recognition...
Graduation....
Haysss lahat ng selebrasyon meron kaming piktyur hahaha!!!

 Syempre ng mainit na ang panahon
ang sumunod naming 3p ay ang pag-swimming...

    
Una sa MCU lang dapat eh hindi kami pinayagan kaya sa
sobrang dismaya namin at hindi kami papayag na di makapag-swimming 
sa araw na iyon ayun napunta kami kila Mami Tins,
biglaan pero sobrang saya :))

 
   
Pangasinan Escapade :))
                 Naitapak din namin ang aming mga paa sa mga buhangin ng Pangasinan, nakalangoy sa mahigit 100 isla nito, nakapaglakbay sa mga 
magagandang atraksyon sa Bolinao tulad ng kanilang Light House, hindi rin pinalagpas ang malanguyan ang kanilang karagatan at pinakamagandang karanasan sa lahat ay ang aming pagpunta sa isang kweba na napakasarap na paliguan na tila kakaiba ang inihatid nitong pakiramdam sa amin. Iyon nga lamang sa huli nadismaya kami sa Falls na aming inaasahan, imbes na Falls eh na-False kami ahahahaha. Ang nakakaloka pa sabihan ba kami ng aming kasama sa pagbalik namin "buti di po kayo naligaw may nangunguha raw po kasi diyan eh." ahahahaaaa. 
                             Kung ang pakay namin sa pagpunta sa naturang napakagandang lugar ay ang maligo hanggang sa pag-uwi namin kami ay naligo... SA TERMINAL NG BUS ahahahaha :P Nakakatuwang karanasan iyon na di namin malilimutan :)) 

 
TSAPTER TU
KALATOG PINGKAN
                             Sa ikalawang taon namin may ilang mga nagpaalam, malungkot ngunit kailangan namin maging masaya para sa kanila. Pisikal na presensya lamang ang nawala ngunit nanatiling magkabigkis ang aming mga puso. Halos sabay-sabay na umalis ang tatlo sa amin sa pagsisimula ng taon at ang isa sa kanila ay nakaplano ng talaga.

                         Sa mga panahong ito TAMANG KAIN naman kami kaya isasalaysay ko ng patula ang mga pangyayari sa amin.

Ang katropa kong mga kalatog pinggan
Ganado ang bibig tuwing may umpukan 
Hindi maawat sa mga kakulitan
Seryosong usapan nagiging kalokohan.

Kapag ang lahat na ay nagsiupuan
Hudyat na ng laban sa hapag kainan
Busog ang aming puso sa kagalakan
Maging ang aming kumakalam na tiyan.

Kung mayron kaming natatanging okasyon
Lumalabas nang maiba ang lokasyon
Kahit bulsa ng iba'y kapos ang laman
Nakakaraos saming pag-aambagan.

 

Alay-lakad sa Tramway bago matunton
Eat-all-you-can ang sa amin ay humamon
PBB Haus ay amin pang nadaanan
Nabulabog namin sikat na tahanan!


 

Kung napagod kami sa buong maghapon
KFC,Chowking madalas na tinutunton
Minsan samin ay mayroong napikon
Orde'y binawi sa tagal nang pag-ahon!

Gelato't Sbarro minsa'y napagtripan
Nang mga galante naming kaibigan
Apat silang nang-inggit sa kabusugan
'toy mga biglaang lakad ng iilan.


Hindi rin mawawala sa ating listahan
Ang Mang Inasal na aming kinainan
Pansit molo ang siyang may kasalanan
Pag-iinit ng ulo ng kaibigan.

T.H. ang isa sa aming pinuntahan
Kinainang labis na pinagsisihan
Karinderya'y kalebel sa kalinisan
Panghihina ng isa'y kinasadlakan.

 


   


Yellow Cab at Kenny Rogers natambayan
Giligans sa isang taon ng samahan
Maging ospital aming napagdausan
Pagdiriwang natatanging kaarawan.




 

Malasa't katakam-takam na pagkain
Abo't kayang presyo ng mga bilihin
Bubusugin sa kanilang ihahain
Marlups, Silver Crown, Barreso sagot samin!



Mga Sugod Bahay Gang idolo namin
Hindi papaawat ang mga salarin
Eskorteng magaling suking biktimahin
Pagpayag ng kanyang tyahin kakarerin.








 Nasunog man orihinal na tambayan
Sagradong lugar binabalik-balikan
Ito ang saksi saming mga huntahan
Korning pagbabati rito nasaksihan :)


 

    Sa lahat ng lugar na aming nakainan
Di mabilang na plato ang nahugasan
Ang simpleng lamesa na aming luklukan
Walang katulad taglay na kabanalan. 


 


  



Kung noon kami ay halos magsiksikan
Ngayon isang upuan pwedeng pagitan
Kung minsan dinadalaw ng kalungkutan
Masaya naman sakanlang kinalagyan :)






                                Sa aming anibersaryo nag-evolved ang aming pamilya mula sa HAMPS UNIVERSITY ito na kami ngayon :


                                 Ito nga nag-Summer Escapade pa kami sa Ilocos...



     

     

     

     

Mga lugar na pinuntahan :

Nuestra Senora de la Asuncion Sta.Maria Church & Nalvo/Suso Beach

                       Isa sa simbahang Baroque sa Pilipinas sa talaan ng Pandaigdigang Pamanang Pook .Isa ito sa Pambansang Palatandaang Makasaysayan sa ating bansa at pinagkalooban ng UNESCO ng budyet upang ito ay mapangalagaan. Sa likurang bahagi nito ay mayroong sementeryo. Tuyo ang Finsal Falls kaya nag-swimming na lang kami sa Beach nila.

Bantay Bell Tower & St. Augustine Parish Church

             Kailangan mong akyatin ang naturang tower para makita mo ang kanilang kampana at masilayan ang napagandang tanawin sa itaas nito. Tinawag itong bantay dahil ito ay salitang Ilokano na nangangahulugang bundok at tagabantay o tanod. Sa loob ng simbahan, nakalagay sa gitna ng simbahan imahe ng Mahal na Birhen na nakatalikod. Mayroong gagabay sa inyong tao ng simbahan upang malaman kung bakit ganoon ang posisyon ng Mahal na Birhen :))



            Pag-aari ni Gov. Chavit Singson at pinakatampok ang mga nakakalat na hayop doon :))

Clay Pottery and Hidden Garden

               Nakakatuwang maranasan ang paraan ng pagbuo ng isang banga kaso ang hirap talaga, kamay at paa ang kailangan gumana. Hindi naman magawa iyong istilo ng mga manggagawa. Samantala kung hilig mo naman ang mga halaman, matutuwa ka sa Hidden Garden na kung saan makikita mo ang iba't ibang klase nito

Vigan Heritage Village

               Magandang masilayan ang mga sinaunang tahanan sa lugar na ito at kasaliw ang mga kwento ng mga taong naninirahan dito. Kapansin-pansin din na unti-unti ng nasisira ang ilan sa mga kabahayan dito at ang iba ay hindi na talaga orihinal. Andaming tagahanga ni FPJ dito hehehe. Maihahambing mo ito sa Intramuros, Maynila :))

Ang Parola ng Cape Bojeador

                   Nasa tuktok ng bundok at masisilayan mo roon ang napakagandang tanawin ng Ilocos. 

Kapurpurawan Rock Formation..

                   Salitang-ugat nito ay PURAW na ang ibig sabihin ay PUTI. Kailangan mong maglakad ng 20 minuto para masilayan mo ang magndang tanawin sa likod ng mga batong iyan. Maaari kang mag-arkila ng kabayo sa halagang 50 Php pero mas magandang maglakad ka na lang kasi di ka naman dadalhin sa lugar na dapat mong masilayan tila pinasakay ka lang ng Pony :))

 

Bangui Windmills

                                               Tumutulong sa pagsusuplay ng kuryente sa Ilocos kaso napansin ko lang, isang malaking proyektong pampahalaan ngunit tila napabayaan ang kanilang munisipyo. Ironiya talaga...

Boracay of the North - Pagudpod Beach

                                Napakalinis at napakaganda ng mga puti't pinong buhangin. NAPAKALAYO talaga pero sulit dahil sa ganda ng lugar. Halos dulo na ng Pilipinas at tanaw mo na ang West Philippine Sea :))

                     Sa ngayon apat na lamang kami na natira sa luklukang ito ngunit walang nabago sa aming samahan. Tuloy pa rin ang kulitan, asaran at kainan ng mga kalatog pinggan.Hindi naman kasi sa apat na sulok ng lamesa umiikot ang makulay naming pakikipagsapalaran, napakalawak ng aming mundo. Kung nasaan man ang isa't isa nakatitiyak akong gumagawa na naman sila ng ingay na aming pag-uusapan sa mga susunod na umpukan.  


TSAPTER TRI

NAGSISIMULA PA LAMANG!

A B A N G A N ...

 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento