Ø
Isang uri ng pagtalakay na
nagbibigay-buhay at diwa sa isang sa isang likhang sining. Isang kaisipang
hindi tapos.
(Ramos at Mendiola)
Ø
Isang agham ng teksto na inuugnay sa
Gawain ng isang kritiko na may pinaghahanguang iba’t ibang teorya.
Ø
Isang esensyal na Gawain sa
pagsasanay na ginugulan ng oras at panahon sa pagsusulat ng mapanuring
pagpapahayag.
Ø
Hindi lamang nagsusuri o nagbibigay
kahulugan sa mga nagaganap sa daigdig kundi ito’y isang paraan ng pagsusuri sa
kabuuan ng tao.
Katangian ng isang mahusay na
Kritiko:
1.
Malawak ang kaalaman sa paksa.
2.
Matapat sa sariling itinuring ang
panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang sining.
3.
Handang kilalanin ang sarili bilang
manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat,
mambabasa o idelohiya.
4.
Laging bukas ang pananaw sa mga
pagbabagong nagaganap sa panitikan.
5.
Iginagalang ang desisyon ng ibang
kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang disiplina.
6.
Matapat na kumikilala sa akda bilang
isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod
na alituntunin o batas.
7.
Kailangan ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit.
8.
May kakayahang ipakita ang
pagkakaiba ng isang obra sa iba pang likhang sining.
Paraan sa Pagsusuri ng Akdang
Pampanitikan :
1.
Pagbabasa ng akda.
2.
Pag-unawa sa teksto.
3.
Pagsusuri ng mga elementong taglay
ng isang akdang pampanitikan.
4.
Pagpapabasa sa iba.
Teoryang Pampanitikan
A. Realismo
– katotohanan ang mahalaga kaysa sa kagandahan
B.
Bayograpiya – tumutuklas
sapilosopiya ng manunulat
C.
Feminismo – nakatuon sa pagtuklas ng
muling pagtaya sa mga isinulat ng kababaihan bilang ekspresyon ng karanasang
pangkababaihan. Pinapantay ang babae sa mga lalaki sa iba’t ibang larangan.
D.
Historikal – nakabatay sa
impluwensya nagpapalutang sa isang akda,
ang sitwasyong politikal at tradisyon na nakapaloob sa akda.
E.
Humanismo – naniniwalang tao ang
sukatan ng lahat ng bagay.
F.
Klasismo – pinapahalagan ang
paglikha ng kagandahan at hindi angkop ang paggamit ng mga salitang balbal at
labis na emosyon
G.
Sosyolohikal – tumutalakay sa
kalagayang panlipunan
H.
Imahismo
- gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na
ibahagi ng may-adka na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob
ng panitikan.
I.
Formalismo/Formalistiko
- kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan
ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang.
J.
Saykolohikal/Sikolohikal
- Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
K.
Romantisismo
- ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
L.
Kultural
- Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at
ipasa sa mga sunod na salinlahi
M.
Moralistiko
- ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang
pamantayan ng tama at mali.
N.
Arkitaypal
- ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.
Mga Kritikong Pilipino sa Panitikang
Filipino :
1.
Alejandro G. Abadilla
2.
Teodoro A. Agoncillo
3.
Virgilio S. Almario
4.
Lope K. Santos
5.
Ponciano B.P. Pineda
6.
Lamberto E. Antonio
Kahalagahan ng
Pagsusuri :
1.
Maibigay ang magandang bagay na
likha ng sining.
2. Matukoy
ang kahinaan at kalakasan ng isang sining na magpapakilala sa huli ng kabutihan
nito.
Balangkas ng
Pagsusuri:
Panunuring Pampanitikan
(Tula)
I. Pamagat :
II. May-akda :
III. Pagsusuri:
A. Nilalaman
1.
Tema
:
2.
Paksa
:
3.
Sining
ng pagpapahayag:
4.
Layon:
5.
Persona:
6.
Banghay
/detalye:
7.
Argumento:
B. Istruktura
1.
Anyo:
2.
Sukat
:
3.
Tugma
4.
Pamamaraan:
5.
Himig
:
6.
Teoryang
Pampanitikan:
C. Kariktan
1.
Antas
ng wika:
2.
Imahe/Simbolismo:
D. Pangkaisipan
1.
Bisa
(ISIP at DAMDAMIN) at Kaukulan:
2.
Bahaging
gustung-gusto:
3.
Reaksyon
at Rekomendasyon:
Halimbawa:
Panunuring
Pampanitikan
(Tula)
I. Pamagat : Sa Tabi ng Dagat
II.
May-akda : Ildefonso Santos
III. Pagsusuri:
A.
Nilalaman
1.
Tema : Pag-ibig
2. Paksa
: Ironiya ng pagpasok sa isang relasyon
3. Sining
ng pagpapahayag: Pasalaysay at paglalarawan
4. Layon:
Mapaglarawan at mapagpanuto
5. Persona:
Kasintahang lalaki o binata
6. Banghay
/detalye:
a. Unang
saknong
Sinundo
ng lalaki ang kanyang kasintahan para maligo sa dagat at pinapahiwatig na
sila’y tatakas. Inilarawan ng may-akda ang paa ng babae.
b. Ikalawang
saknong
Dumaan
sila sa pilapil at may mga basang damuhan
at naghabulan sila papuntang pampang ng dagat.
c. Ikatlong
saknong
Nagtampisaw
sila sa tabi ng dagat at nanguha ng mga lamang dagat.
d. Ikaapat
na saknong
Sa
pagtakip-silim sila’y uuwi na dama at dala ang stamis at sakit ng kanilang
pag-iibigan.
7. Argumento:
Ang pag-ibig ay may kaakibat na responsibilidad.
B.
Istruktura
1.
Anyo: May tiyak na sukat at tugma
2. Sukat
: Mayroon itong apat na taludtod at lalabinwaluing pantig sa bawat taludtod.
3. Tugma:
Gumamit
ang may-akda ng tugmang karaniwan sa
tatlong saknong maliban sa ikatlong saknong na
tugmang ganap.
4. Pamamaraan:
Masigasig,
makatotohanan at imahinistiko ang tulang ito.
5. Himig
:
Nakakakilig
sa simula ngunit natapos ito ng malungkot.
6. Teoryang
Pampanitikan: Imahenismo
C.
Kariktan
1.
Antas ng wika:
Matalinghagang
pananalita ang ginamit ng may-akda na kung saan ay pareho niyang ginamit ng
idyoma at tayutay:
a. Paang binalat sibuyas – makinis
b. Sakong
wari’y kinuyom na rosas –mapula
c. Damong
may luha ng mga bituin – hamog
2. Imahe/Simbolismo:
Ang
ikatlo at ikaapat na taludtod sa unang saknong ng tula ay naglalarawan na ang
babae sa tula ay maganda sapagkat nabubuo saking isipan ang paang maputi,
makinis na may mapulang sakong.
D.
Pangkaisipan
1.
Bisa
at Kaukulan:
Replektibo
ang nakapaloob na damdamin sa tula at mabigat ang pinag-uukulan nito.
Napagtanto ko sa tula na mahirap makipagsapalaran sa pag-ibig lalo’t kung hindi
pa kayo handa. Naniniwala ako na Masaya at masakit ang umibig.
2. Bahaging
gustung-gusto:
Ikatlong
saknong ng tula dahil ito ang pinamasayang sandal sa piling ng isa’t isa.
3. Reaksyon
at Rekomendasyon:
Maganda
ang tula at nararapat itong basahin ng mga kabataan dahil maaari nilang makita
ang kanilang sarili sa pangyayari at mapaalalahanan sila sa larangan ng
pag-ibig.
Tula-Suri
Pag-aaral
ng Isang Likhang Sining
Isa sa pinakamagandang
naisatitik ni ildefonso Santos ay ang tulang Sa Tabi ng Dagat. Sa istilong
mayroon ang makatang ito inaasahan na mapag-iisip ng malalim ang mambabasa nito
sa pagtukoy ng kahulugan ng kanyang nga kataga at pagpalutang ng mga ideya sa
larawang guhit na maglalaro sa ating imahinasyon.
Likhang sining ang
tulang ito na may kakaibang istilo sa istruktura na kung titingnan ay malayang
taludturan ngunit sa pagbabaybay ng mga taludtod mapapansing tradisyunal ang
pagkakabuo nito. Sa unang tingin tila napakadali lamang at payak ang tulang may
sukat at tugma na ito ni G. Santos dahil sa napaiksi nito ngunit ang apat na
saknong na ito na mayroong lalabinwaluhing pantig ay kinakailangan basahin ng
makailang ulit dahil sa ang pagsasalaysay na kanyang ginawa ay masining na
paglalarawan. Makatotohanan ang nilalaman nito dahil ang tema nito ay pag-ibig,
masasalamin ng mga kabataan ang kanilang karanasan sa tamis at pait ng pagpasok
sa isang relasyon. Masigasig na nailarawan ng makata ang pangyayari sa tula na
may hangaring magpayo sa mga mambabasa nito.
Ang kasintahang lalaki
ang persona sa tula na nagsalaysay ng mga kaganapan sa kanila sa buong araw.
Sinundo ng lalaki ang kanyang kasintahan para maligo sa dagat at pinapahiwatig
sa simula na tila sila’y tatakas. Dumaan sila sa pilapil na may mga basang damuhan at naghabulan sila papuntang pampang
ng dagat. Nagtampisaw sila sa tabi ng dagat at nanguha ng mga lamang dagat. Sa
pagtakip-silim sila’y uuwi na dama at dala ang saya at sakit ng kanilang
pag-iibigan. Sa pangyayari, pinalutang ng makata ang argumento nito na ang pag-ibig ay may kaakibat na
responsibilidad. Dapat malaman ng mga kabataan ang kanilang limitasyon at
nakahanda sa magiging resulta ng kanilang ginawa, kung handa kang masaktan
kailangan ay nakahanda ka ring masaktan. Madadama sa tula ang himig na
nakakakilig sa simula at sa huli ay nakakalungkot na nagpatibay sa paksa ng
kanyang tula.
Teoryang imahismo
ang ginamit ng may-adka dahil sa mga imahen na naghahayag ng mga
damdamin at kaisipan na layong ilantad ang totoong kaisipan sa loob ng akda.
Ang unang saknong ay nagtataglay ng imahe na naglalarawan na ang babae sa tula
ay maganda sapagkat nabubuo saking isipan ang paang maputi, makinis na may
mapulang sakong.
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat
sibuyas,
ang daliring aring
at sakong na wari’y kinuyom na
rosas!
Nagpalitaw din sa kariktang
taglay ng tula ang matatalinghagang pananalita na kung saan ay parehong ginamit ng may-akda ang idyoma at tayutay tulad
ng mga sumusunod na parirala - paang
binalat sibuyas, sakong wari’y kinuyom
na rosas at damong may luha ng mga bituin.
Matimpi at pigil ang nakapaloob na
damdamin sa tula at mabigat ang pinag-uukulan nito. Ang ikatlong saknong ng
tula ang bahaging nakapukaw ng aking kamalayan dahil ito ang pinamasayang
sandali sa mga tauhan ng tula. Napagtanto ko sa tula na mahirap
makipagsapalaran sa pag-ibig lalo’t kung hindi pa kayo handa. Naniniwala ako na
masaya at masakit ang umibig. Maganda ang kabuuan ng tula at nararapat itong basahin ng mga
kabataan dahil maaari nilang makita ang kanilang sarili sa pangyayari at
mapaalalahanan sila sa larangan ng pag-ibig.
Pagsusuri ni :
Gng. Wilma E. Hermogenes
magaling! nakakatulong nga... good job po ... thanks din
TumugonBurahinmaraming salamat sa pagbabasa at pagpapahalaga :)
Burahinpayabungin at itelekwalisahin ang Wikang Filipino!!!
Salamat sa impormasyon
Burahinmaraming salamat po! Magaling!God bless!
Burahinmaraming salamat po..
TumugonBurahin