Unang paskil ko sa blog para sa taong ito. May mga naisulat akong bagonG akda ngunit walang panahon na maipaskil. Maliban sa napakaabala ko sa aking tungkulin at pagod sa araw-araw na pagbyahe (Manila-Bulacan vice versa) ay aaminin kong iniwasan ko ang ilang bagay na ibig kong gawin.
Ilang buwan na di nagparamdam sa malalapit na kaibihan, maraming lakad pero di ako tumutugon kahit nga nunbg kaarawan ko wala akong pinansin hehehe. Sabi ko sa kanila nagpapagaling ako dahil mayroon akong malalang sakit na nakakahawa hahaha.
Pakiwari ko nagtampo rin ako sa panulat. Nakaramdam ako ng kawalang hustisya sa mga akdang nais kong ipabatid ngunit kinalaunan hindi ko rin ito natiis dahil mahal ko ang gawaing ito. Bakit kailangan kong talikuran ang mga bagay na nagpapasaya sa akin kaya magpapatuloy ako sa pagkatha...
Ngayong bakasyon dahil marami na akong oras para makapagpahinga, unang-una kong binawi ang pagod at puyat. Nakakatuwa halos buong araw ako tulog..
13 oras sa unang araw...
Halos buong araw sa sumunod na araw... Matutulog, magigising dahil sa tawag ng kalikasan o kaya'y kailangan kumain pero pag nadantay muli sa higaan asahan mo tulog akong muli!
Sa mga suminod na araw napagod na akong matulog, OO NAKARAMDAM AKO NG PAGOD SA PAGTULOG kaya ponilit kong ibalik sa dati ang tamang paggulog. Naisip ko rin kasi, may napanood ako sa tv nakalimutan ko lang saang bansa yun, karamihan sa mga mamamayan nila tulog ng ilang araw kaya pinag-aaralan ngayon kung anong klase ito ng sakit. Di ba baka sakit ito at baka di na ako magising kaya tinigil ko na ang trip kong iyon.
Iniisip ko ngayon kung saan mamamasyal dahil nga bakasyon. Maliban sa pupunta kaming Pangasinan dahil sa may dadaluhang kasal ng isang malapit na kaibigan ay gusto kong maglakbay sa iba pa.
Sa pagkakataong ito, iba na kasi napagtanto ko na may muwang na ang mga anghel ko kaya dapat sila na ang aking makakasama sa nga SUMMER GATEAWAY ko. Pumasok kasi sa isip ko na pwede na akong pagalitan o mas malala sumbatan nila kambal kapag di ko sila kasama sa mga SG ko kaya FAMILY GATEAWAY na simula ngayon. Iyan ang pangako konsa sarili ko ngayon...
Maliban pa rito ay may matinding hamon pa akong kakaharapin na sana ay aking mapagtagumpayan.
Alam ko naman ano mang gagawin ko, nakaantabay SIYA sa akin at ipagkakaloob niya kung anong nararapat....
Mundo ng manlilikha, maharlika at matapang sa pagkatha (Kalipunan ng mga tula, sanaysay, maikling kwento at iba pang naisipan)
Linggo, Abril 5, 2015
Sabado, Nobyembre 29, 2014
Ang Laro sa Dunya’y Di Biro
Ang Laro sa Dunya’y Di Biro
ni Wilma E. Hermogenes
Espesyal
ang araw ng Sabado sa magkakaibigang Effie at Kitter, bukod sa walang pasok ay
binigyang kalayaan sila ng kanilang mga magulang na magbabad sa kompyuter ng
buong araw. Bagamat nakakapag-online sila ng higit sa isang oras kada araw ay
swerte ng makatatlo kung sasabihin nilang may i–re-research na asaynment.
Sinisiguro nilang makapag-status,
like, comment at share. Hindi nagpapahuli sa mga trending at ang
pinakakinababaliwan nila’y mga online games.
“Effie, bagong laro oh, astig.”
Sabay tingin, “ANG LARO SA DUNYA’Y
DI BIRO.”
“Dunya, mundong ginagalawan nina
Lambanag, Iraya at Badaw.”
Klik…
“Lambanag, tagapangisawa ng laro at
taglay ang lakas na makontrol ang liwanag at dilim. Sa sobrang taas, ibayong
diskarte ang kailangan upang gantimpala’y makamtan.”
Klik …
“Iraya, sa maamo at berdeng kulay ay
nakatago ang lakas na kayang magwasak sa buong Dunya kapag ginalit.”
Klik…
“Badaw, may kakayahang bumuo ng
iba’t ibang anyo upang magapi ang kalaban.”
Hindi na nakapaghintay ang dalawa
kaya sinumulan nilang basahin ang tuntunin ng laro. Sa simula’y kailangang mabuo
ang Dunya at mabuhay ang tatlong karakter, labanan ng isip at diskarte ang
puhunan. Kailangan nilang malagpasan ang lahat ng stage nito upang makuha ang
BONUS REWARD.
“Kitter, walang tayuan ito kaya
galingan mo. Alalahanin mo bukas banned tayo sa paglalaro, di ako makakatulog
pag di natin natapos ito.”
Padilim na ng halos sabay na napasigaw
at napatayo ang magkaibigan, parang nasasaniban sila habang lumiliwanag ang
monitor at tila nilalamon sila nito.
KLIK.. BONUS REWARD.. ENTER…
VIDEO UPLOADING… ANG LARO SA DUNYA’Y
DI BIRO
Lahat ng nilalang ng Diyos ay may
natatanging kakayahan. Kung ang tao ang pinakamatalino sa lahat ay hindi
maikukubling naiisahan din ang mga ito ng iba’t ibang espiritung nagkalat sa
mundo. Hindi nakikita ngunit kinakatakutan sa kaunti nitong pagpaparamdam. Ang mga
nalikha sa natural na pamamara’y labis na pinapakinabangan ng tao na patuloy sa
pagbibigay, wala itong reklamo kahit na minsan’y naaabuso. Kapag hindi na makayanan ang
ginagawa ng tao, kumikilos ng hindi inaasahan at walang nakapipigil sa lakas
nitong taglay.
Ito ang pagpapatunay na bago ang
tao, Dunya ang inunang binigyang buhay at upang mapalitaw ang aystetikong
kaanyuhan isinabay sina Lampanag, Iraya at Badaw. Paikot-ikot lamang itong si
Dunya. hindi ito pisikal na nakikita ngunit madadama ang kanyang presensya lalo
na sa pagkakataong sila’y naglalaro, nakabantay lamang ito sa kanilang
ginagawa.
“Aray! Bakit tinapakan mo naman ang
aking paanan?”
“Pasensya na, di ko napansin ang
dilim pa kasi kaya kailangan na nating gisingin si Lampanag at ang himbing pa
ng tulog.”
Napako ang dalawa sa panginorin.
Nabatubalani ang kanilang isip kaya sa lakas ng enerhiya nila’y nagresulta ng
iisang pagkilos. Nagtulakan sina Iraya at Badaw na kapwa ayaw magpagapi.
Humampas ang tubig at nag-umpukan ang lupa. Sa pagsasalubong ng kanilang lakas,
nakalikha ito ng kakaibang ingay. Ilang saglit pa’y nagliwanag na ang
kapaligiran.
“Ano bang pinaggagawa ninyo? Naputol
tuloy ang maganda kong panaginip!”
Nakangiti ito habang nakatingin kay
Iraya. Nahalata ito ni Badaw kaya bigla itong kumalas kay Iraya kaya napahampas
ang malaking alon.
“Aray ko! Nananadya ka na talaga
Iraya ha.”
“Bakit mo ba ako biglang kinalasan?
Ang sakit no’n ha.”
“Tumigil na nga kayo at mabuti pa’y simulan
na nating maglaro.”
Si Lampanag ang namumuno ng laro sa
Dunya. Nag-uunahan sina Badaw at Iraya
na abutin si Lampanag.
Bubwelo si Iraya para makaipon ng
malaking lakas at magpapaikot-ikot hanggang sa siya’y mabigatan at sabay
hihinto. Titilamsik ito pataas at iduduyan ang sarili ng paulit-ulit hanggang
sa makakaya niya upang maabot si Lampanag.
Susunod sa kanya si Badaw. Bubuo
muna siya ng matibay na pundasyon at pabloke-bloke niyang pagpapatong-patongin
ang sarili hanggang sa makabuo siya ng hugis tatsulok papataas kay Lampanag.
Hahampas ang tubig ngunit mabilis ding
bababa.
Papataas ng papataas ang lupa ngunit
guguho ring bigla.
Walang gustong sumuko at tila wala
itong mga kapaguran hanggang si Lampanag na ang antukin sa kanilang pinggagawa.
“Tigil na muna natin ito at bukas na
natin ituloy.” Sabay ang malakas na paghikab at maya-maya’y magdidilim na ang
paligid. Walang magagawa sina Iraya at Badaw kundi ang magpahinga.
Magkukunwaring tulog si Badaw at
sinusuguro muna niyang payapang natutulog na si Iraya. Ilalapit niya ng bahagya
ang sarili upang madampian si Iraya na magpapaaliwas ng kanyang pakiramdam at
mahimbing nang makatutulog.
Dito na mapapayapa si Dunya at
muling magpapaikot-ikot upang masigurong maayos lahat. Walang ingay na
maririnig maliban sa panaka-nakang pagduyan ni Iraya.
Bago magising sina Iraya at Badaw, nakagawian
na ni Lampanag na pagmasdan ang kalmadong si Iraya. Upang hindi siya mahalata, sinisilip
lamang niya ito para hindi lumikha ng nakakasilaw na liwanag. Ilang saglit pa’y
tuluyan ng didilat si Lampanag at inuuna niyang gisingin si Iraya upang
makausap.
Sa umagang iyon, nagulat si Iraya
kay Lampanag kaya humampas ang tubig ng pagkataas-taas na halos makaabot na sa
kinalalagyan ng kaibigan.
“Naku sayang muntik na kitang
maabot, kung nagkataon tulog pa si Badaw!”
Sa pagkainis nito’y akmang kikilos
ito upang gisingin si Badaw ngunit pinigilan siya ni Lampanag.
“Hayaan mo muna siyang matulog at
gusto kitang makausap ng sarilinan.”
Napahinto si Iraya at pinagmasdan
ang kausap sa kakaiba nitong kinikilos.
“Alam mo Lampanag ang aliwalas mo
ngayon kumpara kahapon na malamlam ang iyong kulay.”
Lalo pang pumuti ang panginorin at
sa paggalaw nitong si Lampanag ay bumuo ito ng hugis puso.
“Pagmasdan mo akong maigi Iraya at
magpapakita ako ng mahika.”
Mula sa pinakamalaking puso bigla itong nahati
sa lima, naging dalawa, lima uli at huli’y apat. Inulit ito Lampanag ngunit
dinahan-dahan niya upang maibatid kay Iraya ang mensahe.
Malaking puso.
Nahati sa lima, naging dalawa, lima
uli at huli’y apat na puso.
Balik sa malaking puso.
“Noon pa man Iraya napansin ko na
ang iyong kariktan at hindi ko na mapigilan ang aking sarili na ika’y pagmasdan
at bantayan. Kung hindi mo ako maabot sating paglalaro, hayaan mo akong kumapit
sa pinakamataas mong pagtalon at makasisiguro kang hindi kita bibitiwan.”
Nagpaalon-alon si Iraya sa kanyang
narinig at hindi alam kung papaanong tatanggapin ang mga narinig. Bago pa siya
makapagsalita’y nakarinig siya muli ng isang tinig.
“Pasensya ka na Lampanag, sa aking
narinig mukhang hindi na matutuloy ang naunsyami nating paglalaro at hindi na
kailanman mangyayari.”
Unti-unting lumalamlam ang
panginorin at si Badaw ay nagiging agresibo na nagdudulot ng pagkabiyak ng mga
lupa.
“Badaw, magtigil ka! Hayaan mo akong kausapin
si Lampanag.”
Mula sa maliliit na alo’y
tumitilamsik at humampas ang tubig bago magpatuloy si Iraya. Dinadama niya ang
presensya ni Dunya, kailangan niya ng tulong nito.
“Kaibigang Lampanag, bago pa man ang
iyong pagtatapat kinausap namin ni Badaw si Dunya. Ngunit dahil sa napagod ka
sa ating paglalaro kahapon, nabinbin ang gagawin naming pagbabalita sayo.”
“Humingi ako ng permiso kay Dunya na
pag-isahin kami ni Iraya. Ikaw sana ang gusto naming unang pagsabihan ngunit
ito’y paglabag sa kanyang kautasan.”
Nakatingin lamang si Lampanag sa
dalawa ngunit ang totoo ayaw na niyang marinig pa ang sasabihin ng mga ito.
“Sinaktan ninyo ako kaya’t magtutuos
tayo. Ipagpatuloy natin ang ating paglalaro. Abutin ninyo ang aking
kapatawaran!”
Bigla-biglang dumilim ang paligid at
nais pakalmahin ng dalawa ang kanilang kaibigan ngunit ang larong kanilang
kinaugalia’y naghuhudyat ng panibagong yugto at sa ganitong pagkakataon tulad
na rin ng kanilang napagkasunduan ay hindi dapat ipagpaliban lalo’t ipinahayag
na ni Lampanag ang pagbubukas ng kanilang gawain. Sa pagkakataong ito,
kakaibang laban ang dapat nilang ipanalo.
“Para sa ikakapanatag ng iyong
kalooban at patunayang mahalaga ka sa amin, simulan na natin ang ating paglalaro.”
Sa unang pagkakataon si Lampanag ay naglabas ng mga tubig na nagpabigat
kay Iraya at malalakas na alon ang kasunod nito. Nahihirapan siyang makabwelo
ngunit pinilit niyang magpaikot-ikot. Si Banaw naman ay halos matunaw at mabaon
sa kanyang pwesto. Ginamit niyang pundasyon ang nabasang lupa at nagpatuloy sa
pagtaas kahit gumuguho ang nabiyak niyang bahagi.
Yumayanig na ang Dunya
ngunit nagpatuloy sa paglalaro ang tatlo. Humampas ang tubig
ngunit bigla ring bumaba.
Tumaas ang lupa ngunit gumuhong
bigla.
Nakadama na ng matinding pagod ang
dalawa ngunit hindi nila gustong sukuan ang kanilang kaibigan. Inubos nina
Iraya at Banaw ang huli nilang lakas. Inikot-inot ni Iraya ang tubig at
hinudyat ang gagawin niyang paghampas upang tumilamsik paitaas. Nakakita ng
pagkakataon si Badaw, pinagpatong-patong muli ang lupa mula sa matibay niyang
pundasyon.
Pagbwelo ni Iraya sinalubong ito ni
Badaw. Nagtalsikan ang malalaking alon at nagkalat ang mga bahagi ng lupa kung
saan-saan, ang ilang bahagi nito’y
umabot kay Lampanag.
Ilang saglit pa’y kumalma na si
Iraya, nabasa ang kabuan ni Badaw at nagliwanag si Lampanag.
“Patawarin ninyo ako Dunya at
nilapastangan ko ang inyong kagustuhan. Ako’y sumasang-ayon na sa inyong
kagustuhan.”
Matapos ang kanyang pahayag ay mabilis
na nagpaikot-ikot ang Dunya, nanatili si Lampanag sa panginorin habang
sinasaksihan niya paggalaw ng tubig at lupa. Ang dating magkadikit lamang na si
Iraya at Badaw ay napag-isa. Nakapalibot sa tubig at ilalim nito ang lupa upang
maprotektahan siya.
Hindi nagtagal ay naglitawan sa
iba’t ibang bahagi ng tubig ang mga anyong lupa na mapuputi at maiitim na
pinulbos na buhangin. Pagkaraan nito’y sumunod ang mga batong matutulis na sa
bawat panahon ay tumataas, lumalawak at nagkaroon ng mga luntiang tanawin.
Higit na naging masaya sa Dunya,
lumawak ang katubigan at nahati ito ng mga kabundukan na siyang naging bunga ng
pagmamahalan nina Iraya at Badaw. Nagpatuloy ang paglalaro ng mga ito. Naroon
pa rin si Lambanag ngunit kung noo’y napakahirap niyang abutin, halos kasintaas
lamang niya ang ilan sa mga bago niyang kalaro.
Kaya sa pagkakataong nakararamdam
ang tao ng hindi inaasayang pangyayari na likha ng kalikasan marahil
nakaistorbo tayo sa paglalarong nagaganap sa Dunya at hindi natin mapipigilan
ang kanilang ginagawa.
MUSIC… REPLY… NEXT… PREVIOUS
Kakaibang premyo ang natanggap nina
Effie at Kitter na nagpamulat sa kanila na makisangkot sa pangyayari sa
kapaligiran gamit ang Social Media. Kaya naman bago sila tumayo’y nag-post sila
sa kanilang group accounts. Nilagyan ng caption na #angLAROsaDUNYAYdiBIRO upang
ito’y maging trending at makakuha ng BONUS REWARD.
Ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards 6 Kwentong Pambata
Biyernes, Agosto 15, 2014
AMBAG SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito ay isang puspusang pakikipaglalaban hindi lamang ng mga guro at tapagataguyod ng ating pambansang wika kundi maging ng lahat ng Pilipino. Higit na nakabubuti kung ang lahat ay makikisangkot sa panawagang aming ipinaglalaban dahil bahagi ito ng ating pagkakakilanlan at ito ay isang pambansang kamalayan. Minabuti ng inyong lingkod na gumawa ng isang pagtatalo patungkol sa usaping ito sa anyo ng Batutian na itatampok sa programa ng aming kolehiyo sa darating na Biyernes.
Ang Batutian ay isang anyo ng panitikang pagtatalo na ang pangunahing inspirasyon ay ang Makata ng Pag-ibig na si Jose Corazon De Jesus na nakilala sa sagisag panulat na Huseng Batute ng siya ring pinaghanguan ng pangalan nito. Isa itong pagtatalo na layuning ilahad at pangatwiranan ang isang napapanahong paksa sa pamamagitan ng pakikipag-asaran at pagyayabangan na sa huli'y nauuwi sa pagkakasunduan at uruyan o awitan.
Ito ang gagamiting piyesa na mga magsisiganap sa Batutian:
Piyesa para
sa Batutian
Paksa: Artikulo XIV,Seksyon
6 laban sa CHED Memo No.20
Klasismong Pananaw sa Kalagayan ng Asignaturang Filipino sa Antas
Tersarya (lalabindalawahing pantig)
Pamagat:
Tunggalian ng mga kalatas, alin ang dapat
na umatras: Artikulo ng Saligang batas o
Memorandum ng Ahensyang Magpapatupad?
ni Wilma E. Hermogenes
(Pagpapatugtog ng awitin habang
pumapasok ang Lakandiwa at mga magtatalo)
Lakambini:
Magandang
hapon giliw kong kabababayan
Bigyan
akong masigabong palakpakan! (Huminto at
ngumiti sa manonood)
Muling
tumatayo sa inyong harapan
Itong
Lakan na wagas ang kagandahan
Upang
pamunuan ang balitaktakan
Ngunit
bago ko ito pasinayanan
Marapat
na kayo’y paalalahanan
Baka
magpadala sa nararamdaman
At
bigla mo akong kunin sa tanghalan
Upang
maiuwi sa inyong tahanan
Ang
magtatalo’y kapwa pinasakitan
Inisip
na sila ay magugustuhan
Mantakin
mo ang kanilang kahambugan
Maging
hangin ginapi sa kayabangan
Kaya’t
magsikapit sa inyong upuan!
Hindi
naman hangal ang mapapakinggan
Marami
rin sa kanlang matututuhan
Kailangan
nila na pangatwiranan
Mainit
na isyu sa kasalukuyan
Upang
lahat tayo ay maliwanagan!
Ang
wika na ating pagkakakilanlan
Itinakdang
ituro sa paaralan
Sa
lahat ng antas ay matutunghayan
Upang
ito ay patuloy na malinang
Intelektwalisasyo’y
ating makamtan .
Ngayon
ay nanganganib ang kalagayan
Sa
kolehiyo ito’y pinapalisan
CHED
ay naglabas ng isang kautusan
` Memo
20 Filipino’y iiklian
Hanggang
hayskul na lang mapag-aaralan.
Ito
ay isang pambansang talakayan
Nararapat
natin itong kasangkutan
Suriin
kung ano ang may kabisaan
Ang
Saligang Batas na pinasinayan
o
Memorandum na isang kautusan?
Ito
na ang mga makata ng bayan
Pagpapakilala’y
silang naatasan
Tiyak
na dadalhin sariling bangkuan
Sila’y
pansamantalang magbabangayan
Kakalimutan
munang magkaibigan!
(Pagpapatugtog ng Pinoy Ako Intro, instrumental)
Percival:
Itong
pagngiti ang una kong sandata
Nang
mapabatid ideyang mahalaga
Tiyak
kong gigisingin inyong haraya
Habang
ibinubulalas itong paksa
Tuon
sa akin ay hindi mawawala
Percival
ang pangalan nitong makata
Sa
bayan ng Bulacan ako nagmula
Sa Caloocan, papakadalubhasa
Sa
bansa’y magiging sikat na artista
Huwarang
guro sa lahat ng eksena
Tungkulin
ko ngayo’y sadyang naiiba
Ipagtatanggol
batas ng itinakda
Itaguyod,
linangin wikang pambansa
Ang
Filipino bilang asignatura
Nararapat
ituro hanggang tersarya!
(Pagpapatugtog ng Dooobedooodoo/Boom Panes)
Bryan:
Higit
sa pagngiti ang aking pambungad
Upang
tuon ng madla’y sakin ilagak
Tingnan
mo at lahat pa ay napaindak
Wala
pa naman akong isinasaad
Hanggang
sa huli kayo ay magagalak !
Kabataang
punong-puno ng pangarap
Sa
sarili’y pinangakong magsisikap
Diploma
sa kamay ko’y mailalapat
Maiaahon
ang pamilya sa hirap
Bryan,
katuwang ng bayan sa pag-unlad!
Upang
maisakatuparan ang hangad
Kalidad
ng pagkatuto ay iangat
Sa
isang kautusan ay inilahad
Filipino’y hindi naman winawasak
Ililipat
lamang kung san nararapat!
Percival:
Pagsulong
ng baya’y wala sayong palad
Kahangalan
kautusang inilahad
Na
sa iyong pananaw ay nararapat
Wika
nga ay hindi ninyo winawasak
Ngunit
ito nama’y inyong niyuyurak!
Mahiya
ka sa kulay ng iyong balat
Buhay
mo ay hindi pa man umaangat
Iyong
pagmamarunong ay walang puknat
‘Di
ka henyo upang ika’y makisabat
Huwag
magpanggap, hindi ka naman sikat!
Bryan:
Kaibigan
ikaw ay maghinay-hinay
Baka
puso’y bumigay, ika’y mahimlay
Winika’y
pakinggan bago ka mangisay
Napakarami
ng iyong sinalaysay
Ito naman
ay walang kabuhay-buhay
Balat
natin diba’t iisa ang kulay
Ngunit
utak mo ay sinliit ng palay
Sa
pag-unawa ikaw ay sumasablay
Wasak
at yurak ay magkaibang tunay
Di
ako sikat, san naman iyong husay?
Lakambini:
Pasintabi
bago pa magkapikunan
Mukhang
kayo ay may pinaghuhugutan
Huwag
muna ninyo akong pag-agawan
Ang
paksa ang dapat na pangatwiranan
Ito’y
pagtatalo, walang personalan!
Nasimulan
na ninyong magkayurakan
Nasambit
pangunahin ninyong dahilan
Ipagpatuloy
na ang inyong huntangan
Saligang
batas o isang kautusan
Alin
ang higit na pakikinabangan?
Percival:
Marapat
muna na ika’y maturuan
Nang
sa gayon ikaw ay maliwanagan
Huwag
mag-alala walang kabayaran
Sapat
nang makita kang mahimasmasan
Kaya’t
buong husay mo akong pakinggan!
Artikulo
labing-apat , Seksyon anim
Filipino
ang wika na itinanim
Ugat
nito’y sadyang walang kasinlalim
Hanggat
hindi napapalitan ang talim
Ihasik
optimistiko nitong lagim
Ikaw
ngayon ay nasa antas tersarya
Ika’y
tumingin sa aking mga mata
Buong
puso mong sagutin ang kataga
‘Di
mo ba kaylangan sayong pagtatasa
Ang
paggamit ng ating pambansang wika?
Bryan:
Tila
ako’y iyong pinaparatangan
Na
mulala sa wika na kinagisnan
Batid
ko ang lahat ng iyong tinuran
Wala
akong dapat na sayo’y bayaran
Di
ako natinag saking katayuan
Ang
aking tugon sa tanong mong nabinbin
Taas
noo ko pa itong sasagutin
Wika’y
hindi maiiwasang gamitin
Mas
madaling magbulalas ng damdamin
Kung
wikang Filipino ang pairalin
Ang
memorandum na aming inihain
Wika
ay di intensyong balewalain
Ililipat
sa hayskul upang linangin
Sa
tersyarya ito ay pagyayamanin
Wikang
panturo sa maraming aralin
Percival:
Damang-dama
ko na ang aking tagumpay
Ikaw
talaga’y kaibigan kong tunay
Ikaw
na mismo ang siyang nagpatibay
Filipino
ay hindi dapat mahimlay
Sa
kolehiyo tuloy ang pagpupugay
Itong
si James na dati kong kaalitan
Sa
tuwing siya ay aking pakikinggan
Mantakin
mong ilong ko’y laging duguan
Ngayon
kami ay nagkakaintindihan
Wika
ay kanya ng napahalagahan
Gamit
ng wika noo’y sadyang praktikal
Sa
kolehiyo nya nabigyang parangal
Natutuhan
niya taglay nitong dangal
Hiling
nya ngayon sa tulad ninyong hangal
Filipino
gawing wikang propesyonal
Bryan:
Paalala
katoto kong nahihibang
Ika’y
kalahok at hindi inampalan
Upang
ariin ang aking karangalan
Mamaya
pupulutin ka sa kangkungan
Tangay
pa ang marilag na kasintahan
Baka
si Pepe ay iyo pang banggitin
at
palasak na tinuran ay sambitin
Sapagkat
maging siya kung tutuusin
Sasang-ayon
sa aming mga hangarin
Maninindigan
siya sa panig namin!
Sa
pagtatamo niya ng karungan
Kahit
pa sa kanyang mga katitikan
Ginamit
ba niya ang wikang kinagisnan?
Syang
kumakatawan sa kabayanihan
Sa
ibang wika natamong kahenyohan !
Percival:
Di
ka lang hangal, isa pang lapastangan
Maging
si Pepe’y iyong pinaratangan
Bryan:
Ang
winika ko’y pawang katotohanan
Pagtitibayin
ito ng kasaysayan
Percival:
Wala
naman tayong dapat pagbangayan
Pagkat
ako nama’y sinasang-ayunan
Bryan:
Ikaw
nama’y wala sa iyong higaan
Baka
sa panaginip iyang tiruran!
Percival:
Susupilin
na ang masama mong asal
Ibasura
ang kautusang niluwal
Tanungin
mo maging di nakapag-aral
Saligang
batas ang dapat na umiral!
Bryan:
Batas
ay hindi ko kayang talikuran
May
kaakibat itong kaparusahan
Bawat
ahensya’y mayron ding karapatan
Bumuo
ng atas sating kabutihan
Percival:
Kabutihan bang ibaba itong
wika
Ipagpalagay
na di pandalubhasa?
Bryan:
Uulitin
ko ito’y hindi nilagas
Lilipat
lamang sa ikalawang antas
Percival:
Filipino’y
ituro hanggang tersarya
Susi
sa pag-unlad at pagkakaisa
Bryan:
Globalisasyo’y
paano matutugunan
Huwag
ng pairalin ang kadramahan
Percival:
Wika’y ipakilala ng maging
global
Hanggang
Filipino’y maging unibersal
Bryan:
Kaisa mo ako sa naturang
pangarap
Ngunit
harapin muna ang reyalidad
Lakambini:
Tigilan
na ang mainit na huntangan
Sapagkat
ako ang syang nahihirapan
Luha’y
tumulo habang pinakikinggan
Ang
wika na ating pagkakakilanlan
Ito
ay kapwa pinapahalagahan
Magkaiba
lamang sa kadahilanan
Sa pagtaguyod iba-ibang paraan
Tayong
lahat ang syang magiging talunan
Kung
wika’y di magamit sa paaralan
Hiling
ko sana’y huwag malimitahan
Sa
puntong ito dapat kong pagsisihan
Kayo
ay pinagsarhan ko ng pintuan
Gayong
hanap sa kasuyo’y makabayan
Halina
kayo’y maglapit, magkamayan
‘di
matatawaran inyong kahusayan
Kung
sino man ang nagwagi at talunan
Ang
pagpapasya’y nasa kamay ng bayan
Percival…
sa batas ay naninindigan
Byan…
memorandum ay may kabutihan
Bigyan
silang masigabong palakpakan
Filipino’y
wika ng pagkakaisa
Payayabungin
natin ng sama-sama
Katulong
nang iba pang wika sa bansa
Bago
ipinid ang masayang programa
Makisaliw
sa uruyang inihanda.
Pag-awit ng “Ako’y Isang Pinoy”
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)





