Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito ay isang puspusang pakikipaglalaban hindi lamang ng mga guro at tapagataguyod ng ating pambansang wika kundi maging ng lahat ng Pilipino. Higit na nakabubuti kung ang lahat ay makikisangkot sa panawagang aming ipinaglalaban dahil bahagi ito ng ating pagkakakilanlan at ito ay isang pambansang kamalayan. Minabuti ng inyong lingkod na gumawa ng isang pagtatalo patungkol sa usaping ito sa anyo ng Batutian na itatampok sa programa ng aming kolehiyo sa darating na Biyernes.
Ang Batutian ay isang anyo ng panitikang pagtatalo na ang pangunahing inspirasyon ay ang Makata ng Pag-ibig na si Jose Corazon De Jesus na nakilala sa sagisag panulat na Huseng Batute ng siya ring pinaghanguan ng pangalan nito. Isa itong pagtatalo na layuning ilahad at pangatwiranan ang isang napapanahong paksa sa pamamagitan ng pakikipag-asaran at pagyayabangan na sa huli'y nauuwi sa pagkakasunduan at uruyan o awitan.
Ito ang gagamiting piyesa na mga magsisiganap sa Batutian:
Piyesa para
sa Batutian
Paksa: Artikulo XIV,Seksyon
6 laban sa CHED Memo No.20
Klasismong Pananaw sa Kalagayan ng Asignaturang Filipino sa Antas
Tersarya (lalabindalawahing pantig)
Pamagat:
Tunggalian ng mga kalatas, alin ang dapat
na umatras: Artikulo ng Saligang batas o
Memorandum ng Ahensyang Magpapatupad?
ni Wilma E. Hermogenes
(Pagpapatugtog ng awitin habang
pumapasok ang Lakandiwa at mga magtatalo)
Lakambini:
Magandang
hapon giliw kong kabababayan
Bigyan
akong masigabong palakpakan! (Huminto at
ngumiti sa manonood)
Muling
tumatayo sa inyong harapan
Itong
Lakan na wagas ang kagandahan
Upang
pamunuan ang balitaktakan
Ngunit
bago ko ito pasinayanan
Marapat
na kayo’y paalalahanan
Baka
magpadala sa nararamdaman
At
bigla mo akong kunin sa tanghalan
Upang
maiuwi sa inyong tahanan
Ang
magtatalo’y kapwa pinasakitan
Inisip
na sila ay magugustuhan
Mantakin
mo ang kanilang kahambugan
Maging
hangin ginapi sa kayabangan
Kaya’t
magsikapit sa inyong upuan!
Hindi
naman hangal ang mapapakinggan
Marami
rin sa kanlang matututuhan
Kailangan
nila na pangatwiranan
Mainit
na isyu sa kasalukuyan
Upang
lahat tayo ay maliwanagan!
Ang
wika na ating pagkakakilanlan
Itinakdang
ituro sa paaralan
Sa
lahat ng antas ay matutunghayan
Upang
ito ay patuloy na malinang
Intelektwalisasyo’y
ating makamtan .
Ngayon
ay nanganganib ang kalagayan
Sa
kolehiyo ito’y pinapalisan
CHED
ay naglabas ng isang kautusan
` Memo
20 Filipino’y iiklian
Hanggang
hayskul na lang mapag-aaralan.
Ito
ay isang pambansang talakayan
Nararapat
natin itong kasangkutan
Suriin
kung ano ang may kabisaan
Ang
Saligang Batas na pinasinayan
o
Memorandum na isang kautusan?
Ito
na ang mga makata ng bayan
Pagpapakilala’y
silang naatasan
Tiyak
na dadalhin sariling bangkuan
Sila’y
pansamantalang magbabangayan
Kakalimutan
munang magkaibigan!
(Pagpapatugtog ng Pinoy Ako Intro, instrumental)
Percival:
Itong
pagngiti ang una kong sandata
Nang
mapabatid ideyang mahalaga
Tiyak
kong gigisingin inyong haraya
Habang
ibinubulalas itong paksa
Tuon
sa akin ay hindi mawawala
Percival
ang pangalan nitong makata
Sa
bayan ng Bulacan ako nagmula
Sa Caloocan, papakadalubhasa
Sa
bansa’y magiging sikat na artista
Huwarang
guro sa lahat ng eksena
Tungkulin
ko ngayo’y sadyang naiiba
Ipagtatanggol
batas ng itinakda
Itaguyod,
linangin wikang pambansa
Ang
Filipino bilang asignatura
Nararapat
ituro hanggang tersarya!
(Pagpapatugtog ng Dooobedooodoo/Boom Panes)
Bryan:
Higit
sa pagngiti ang aking pambungad
Upang
tuon ng madla’y sakin ilagak
Tingnan
mo at lahat pa ay napaindak
Wala
pa naman akong isinasaad
Hanggang
sa huli kayo ay magagalak !
Kabataang
punong-puno ng pangarap
Sa
sarili’y pinangakong magsisikap
Diploma
sa kamay ko’y mailalapat
Maiaahon
ang pamilya sa hirap
Bryan,
katuwang ng bayan sa pag-unlad!
Upang
maisakatuparan ang hangad
Kalidad
ng pagkatuto ay iangat
Sa
isang kautusan ay inilahad
Filipino’y hindi naman winawasak
Ililipat
lamang kung san nararapat!
Percival:
Pagsulong
ng baya’y wala sayong palad
Kahangalan
kautusang inilahad
Na
sa iyong pananaw ay nararapat
Wika
nga ay hindi ninyo winawasak
Ngunit
ito nama’y inyong niyuyurak!
Mahiya
ka sa kulay ng iyong balat
Buhay
mo ay hindi pa man umaangat
Iyong
pagmamarunong ay walang puknat
‘Di
ka henyo upang ika’y makisabat
Huwag
magpanggap, hindi ka naman sikat!
Bryan:
Kaibigan
ikaw ay maghinay-hinay
Baka
puso’y bumigay, ika’y mahimlay
Winika’y
pakinggan bago ka mangisay
Napakarami
ng iyong sinalaysay
Ito naman
ay walang kabuhay-buhay
Balat
natin diba’t iisa ang kulay
Ngunit
utak mo ay sinliit ng palay
Sa
pag-unawa ikaw ay sumasablay
Wasak
at yurak ay magkaibang tunay
Di
ako sikat, san naman iyong husay?
Lakambini:
Pasintabi
bago pa magkapikunan
Mukhang
kayo ay may pinaghuhugutan
Huwag
muna ninyo akong pag-agawan
Ang
paksa ang dapat na pangatwiranan
Ito’y
pagtatalo, walang personalan!
Nasimulan
na ninyong magkayurakan
Nasambit
pangunahin ninyong dahilan
Ipagpatuloy
na ang inyong huntangan
Saligang
batas o isang kautusan
Alin
ang higit na pakikinabangan?
Percival:
Marapat
muna na ika’y maturuan
Nang
sa gayon ikaw ay maliwanagan
Huwag
mag-alala walang kabayaran
Sapat
nang makita kang mahimasmasan
Kaya’t
buong husay mo akong pakinggan!
Artikulo
labing-apat , Seksyon anim
Filipino
ang wika na itinanim
Ugat
nito’y sadyang walang kasinlalim
Hanggat
hindi napapalitan ang talim
Ihasik
optimistiko nitong lagim
Ikaw
ngayon ay nasa antas tersarya
Ika’y
tumingin sa aking mga mata
Buong
puso mong sagutin ang kataga
‘Di
mo ba kaylangan sayong pagtatasa
Ang
paggamit ng ating pambansang wika?
Bryan:
Tila
ako’y iyong pinaparatangan
Na
mulala sa wika na kinagisnan
Batid
ko ang lahat ng iyong tinuran
Wala
akong dapat na sayo’y bayaran
Di
ako natinag saking katayuan
Ang
aking tugon sa tanong mong nabinbin
Taas
noo ko pa itong sasagutin
Wika’y
hindi maiiwasang gamitin
Mas
madaling magbulalas ng damdamin
Kung
wikang Filipino ang pairalin
Ang
memorandum na aming inihain
Wika
ay di intensyong balewalain
Ililipat
sa hayskul upang linangin
Sa
tersyarya ito ay pagyayamanin
Wikang
panturo sa maraming aralin
Percival:
Damang-dama
ko na ang aking tagumpay
Ikaw
talaga’y kaibigan kong tunay
Ikaw
na mismo ang siyang nagpatibay
Filipino
ay hindi dapat mahimlay
Sa
kolehiyo tuloy ang pagpupugay
Itong
si James na dati kong kaalitan
Sa
tuwing siya ay aking pakikinggan
Mantakin
mong ilong ko’y laging duguan
Ngayon
kami ay nagkakaintindihan
Wika
ay kanya ng napahalagahan
Gamit
ng wika noo’y sadyang praktikal
Sa
kolehiyo nya nabigyang parangal
Natutuhan
niya taglay nitong dangal
Hiling
nya ngayon sa tulad ninyong hangal
Filipino
gawing wikang propesyonal
Bryan:
Paalala
katoto kong nahihibang
Ika’y
kalahok at hindi inampalan
Upang
ariin ang aking karangalan
Mamaya
pupulutin ka sa kangkungan
Tangay
pa ang marilag na kasintahan
Baka
si Pepe ay iyo pang banggitin
at
palasak na tinuran ay sambitin
Sapagkat
maging siya kung tutuusin
Sasang-ayon
sa aming mga hangarin
Maninindigan
siya sa panig namin!
Sa
pagtatamo niya ng karungan
Kahit
pa sa kanyang mga katitikan
Ginamit
ba niya ang wikang kinagisnan?
Syang
kumakatawan sa kabayanihan
Sa
ibang wika natamong kahenyohan !
Percival:
Di
ka lang hangal, isa pang lapastangan
Maging
si Pepe’y iyong pinaratangan
Bryan:
Ang
winika ko’y pawang katotohanan
Pagtitibayin
ito ng kasaysayan
Percival:
Wala
naman tayong dapat pagbangayan
Pagkat
ako nama’y sinasang-ayunan
Bryan:
Ikaw
nama’y wala sa iyong higaan
Baka
sa panaginip iyang tiruran!
Percival:
Susupilin
na ang masama mong asal
Ibasura
ang kautusang niluwal
Tanungin
mo maging di nakapag-aral
Saligang
batas ang dapat na umiral!
Bryan:
Batas
ay hindi ko kayang talikuran
May
kaakibat itong kaparusahan
Bawat
ahensya’y mayron ding karapatan
Bumuo
ng atas sating kabutihan
Percival:
Kabutihan bang ibaba itong
wika
Ipagpalagay
na di pandalubhasa?
Bryan:
Uulitin
ko ito’y hindi nilagas
Lilipat
lamang sa ikalawang antas
Percival:
Filipino’y
ituro hanggang tersarya
Susi
sa pag-unlad at pagkakaisa
Bryan:
Globalisasyo’y
paano matutugunan
Huwag
ng pairalin ang kadramahan
Percival:
Wika’y ipakilala ng maging
global
Hanggang
Filipino’y maging unibersal
Bryan:
Kaisa mo ako sa naturang
pangarap
Ngunit
harapin muna ang reyalidad
Lakambini:
Tigilan
na ang mainit na huntangan
Sapagkat
ako ang syang nahihirapan
Luha’y
tumulo habang pinakikinggan
Ang
wika na ating pagkakakilanlan
Ito
ay kapwa pinapahalagahan
Magkaiba
lamang sa kadahilanan
Sa pagtaguyod iba-ibang paraan
Tayong
lahat ang syang magiging talunan
Kung
wika’y di magamit sa paaralan
Hiling
ko sana’y huwag malimitahan
Sa
puntong ito dapat kong pagsisihan
Kayo
ay pinagsarhan ko ng pintuan
Gayong
hanap sa kasuyo’y makabayan
Halina
kayo’y maglapit, magkamayan
‘di
matatawaran inyong kahusayan
Kung
sino man ang nagwagi at talunan
Ang
pagpapasya’y nasa kamay ng bayan
Percival…
sa batas ay naninindigan
Byan…
memorandum ay may kabutihan
Bigyan
silang masigabong palakpakan
Filipino’y
wika ng pagkakaisa
Payayabungin
natin ng sama-sama
Katulong
nang iba pang wika sa bansa
Bago
ipinid ang masayang programa
Makisaliw
sa uruyang inihanda.
Pag-awit ng “Ako’y Isang Pinoy”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento