Habang patuloy na namamasyal ang mga kakilala ko sa iba't ibang panig ng mundo, ako naman ay abalang naglakbay sa loob ng 18 araw upang pumasok sa eskwela...
SUMMER CLASS
Ang ibig sabihin sakin nito noon MGA BAGSAK NA ESTUDYANTE NA IMBES NA MAGBAKASYON EXTENDED ANG PAG-AARAL. Ngayon napatunayan ko na wala itong katotohan dahil ito ang ektrang panahon na maaring ilaan upang mahabol ang mga dapat pang makuha na mga asignatura upang makuha ang target na pagtatapos. ARAW-ARAW ang klase kaya nakakapagod at nakaka-stress sa mga assignments, reports at deadlines!
Swerte na ang dalawang oras para makarating ako ng NTC, kapag nakaalis ako ng maaga sigurado di ako male-late pero alam mo na bilang lang ang araw na hindi ako nahuli sa klase. Pasalamat na lang ako sa ilang mababait kong kaklase na pinapasok pa rin ako at pinagpapa-attendance kahit pagdating ko mga 15 minutes eh dismissed na hahahahahhahaha :D
Iyan ang isa sa di ko makakalimutan ang maging LATE COMER at super obvious talaga na tipong nasa likod pa ang Prof. nung minsang nagmamadali ako tapos pag-upo ko uwian na hahaha! Yung dalawang examination nga namin late ako buti na lang nasagutan ko lahat ng tanong kahit na pagod na pagod ako. Sa unang subject lang naman ako ganyan at hindi ko ipinagmamalaki ang gawi kong iyan kasi hindi ko talaga ugaling mahuli ng higit sa 1 oras. Pero sa totoo lang, mas na-enjoy ko talaga ang huling dalawang subject ko.
OBRA MAESTRA
Kaisa-isang major subject na nakuha ko, madami kami rito at maraming mga bago. Kasama ko sina Gilmore at Eden kaya masaya ako. May mga nakilala akong mga bagong kaibigan tulad nila Kathy, Pedro at Honesto, may mga kakilala rin na mula sa Dibisyon ng Manila kaso isa lang sa kanila ang kaibigan ko si Ma'am Gema.
Pakiramdam ko sa klaseng ito, takot sila sa akin dahil sa aura ko hahahaha. Ilang na ilang sila na makipag-usap sa akin lalo na noong nagsimula akong magbahagi sa aming talakayan. Hindi naman sa pagmamayabang sadyang kaabang-abang ang aking sasabihin. Madalas nakikinig lamang ako at kausap ang aking mga katabi pero kapag may narinig ako na kailangan ng paglilinaw saka ako nagtataas ng kamay upang magbahagi. May pagkakataon pa nga na may isa akong kamag-aral na ipinilit ang gusto niya pero syempre hindi dapat ipilit ang maling ituturo sa mga bata. Defense mechanism niya yung sinabi niya kasi napahiya kasi siya sa sinabi niyang impormasyo na tinutulan ng lahat.
Isa sa di ko malilimutan sa klaseng ito bukod sa may trono kami na alam naming gusto nilang makuha (upuang nakatapat sa ceiling fan hahaha) ay lagi naming napapangiti at napapahalakhak si Dr. Catacataca. Ang propesor namin na mahigit 80 taong gulang na pero aktibo pa rin sa pagtuturo. Natutuwa rin siya sa amin at wala di umano siyang kapagod-pagod dahil sadyang mahuhusay kami at mababait kaya minsan ay biglang naglabas siya ng 2K at nagpa-ice cream.
"Sa
pagsapit ng dapit-hapon, makikipagbiruan ako sa mga bituin at buwan
hanggang sa masilayan ko ang pagbubukang liwayway."
-Dr.Pamfilo Catacataca
-Dr.Pamfilo Catacataca
Ang inialay kong tula para sa aming Ama, nabuo ko mula sa byahe hanggang sa bago ang aming klase sa Obra. |
PAPAYA CLASS
Ito naman ang klase na kahit na last period ay hindi ko kinatamarang pasukan sa dulot nitong saya at marami talaga kaming natutuhan kay Dr. Fontinoza. Naging dahilan ko rin ang signaturang ito upang di na tumuloy sa seminar sa Baguio pakiwari ko kasi mas marami akong matutuhan sa aming guro kaysa sa magbayad at maglakbay sa Baguio.
First day pa lang naglakbay na kami sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Araw-araw madami kaming natutuhan, sadyang mahuhusay at mababait ang aking mga kamag-aral na naging mga bagong kaibigan.
Higit sa lahat lalo kong naunawaan ang kalakaran sa pampublikong
paaralan at kung ano dapat gawin sa iba't ibang pagkakataon.
Hinding-hindi namin malilimutan syempre ang #PAPAYA ni Dr. Pontinoza hahahaha. Sabi niya at proven for how many times, gamot di umano ito sa luslos. Ito ang paraan kung papaao:
1. Hugasan linasan ang papaya.
2. Hiwain ang papaya sa gitna at linisan muli.
3. Painitin sa kalan bago ilagay sa inyong ari.
Trivia pa uli: laging may papaya sa pagkain ng mga pari at madre required sa meal nila, pampaalis libog daw kasi hehehehe.
May natitira pang araw para magrelaks pagkatapos ng nakakapagod na pagpasok araw-araw at halos walang tulog para matapos ang mga dapat na ipasa. Kumpara sa regular semester, mas na-enjoy ko ang Summer Class kasi talagang magkakakilanlan kayo ng mga kaklase mo sa araw-araw ninyong pagkikita. Noon kasi natapos ang semestre ni hindi ko man lang nakilala ang mg kaklase ko ngayon kahit di tanda ang pangalan merong UGNAYAN. Nakakatuwa talaga...
Ang bilis... 18days is over!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento