BULAKAN
ni Wilma E. Hermogenes
4/21/2014
Bulaklak na makulay ay nanghahalina
Bulak na mapuputi dito’y masagana
Burak sa kapaligiran ay makikita
Bayan ng Bulakan kakabit
na salita
Mga lungsod ay mayrong
dalawang dosena
Bayan ng Malolos ang siyang kabisera
Hindi kaluyaan sa Kalakhang Maynila
Kanugnog ang Nueva Ecija at Pampanga
Tinaguriang bayan ng mga makata.
Ang Ama ng Panulaan dito nagmula
Maging ang mga dakilang propagandista
Sa panulat napalaya ang ating bansa
Bayang bihasa sa pinagbatayang wika
Taal na Tagalog
maririnig sa twina
Salitang hitik at napakagandang musika
Namumutawi sa bibig ng matatanda
Sa kasaysayan marami ang naitala
Dito unang winagawayway ang bandila
Naisulat unang kontisyonsyon sa Asya
Napasakamay ang hangad na demokrasya
Nagkalat mga simbahang makaluma
Itinindig noong panahon ng Kastila
Hindi matatawaran
aystetikong dala
Kahit lumipas na ang maraming dekada
Maging sa mga produkto ay mariwasa
Inaaning palay at iba’t ibang bunga
Baboy, manok at baka na kanlang alaga
Naibabahagi sa mababang halaga
Sa bayang ito’y Angat ang isa sa bida
Isang malaking dam ang rumaragasa
Pinag-iimbakan ng tubig sating bansa
Dumadaloy ang suplay sa bandang Hilaga
Sa kasalukuya’y higit
na nakilala
Malalaking paliguan na kakaiba
Samo’t saring mga Resort ang naglipana
Dagat sa probinsya’y nalalapit sa madla
Kumukupkop din ng mga pagala-gala
Nagtatayo ng bahay sa kanilang lupa
Upang ang mga bisita’y maging kaisa
Sa pabahay na abot-kaya ang halaga!
Hindi maitatangging mayroong nag-iba
May mga nalimot
nagiba at nawala
Ngunit mananatili pagtatamong-pala
Nitong bayan na sadyang napakahalaga!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento