Miyerkules, Marso 5, 2014

ANO BA TALAGA?

Napansin ko mas nakahihigit na nakamulat ang aking mata kaysa sa nakapikit. Ang regular na oras ng pagtulog ko halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim tapos babangon uli para asikasuhin ang mga tsikiting. Pagkahatid ko sa kanila sa labas depende na lang kung matutulog uli pero madalas bumabalik ako sa higaan at ginigising ng elektronik kong manok na kapag binalewale ko eh nanay ko na ang naririnig ko o kaya'y tumatapik sa akin para paghandaan ang pagpasok. May pagkakataon din na pagkalapat ng ulo ko sa unan / higaan tuloy-tuloy na ang pagtulog ko minsan nga parang ayaw ko ng bumangon at pakiwari ko kulang pa ang naitulog ko. Sa dalawa hindi ko alam kung ano ang mas maganda pero sigurado ako hindi normal yun at may paliwanag ang medisina tungkol sa gawi kong iyan pero saka ko na lang aalamin dahil marami pa akong gustong gawin!  

Napaisip tuloy ako... ano bang ginagawa ko araw-araw at parang napakarami kong pinagkakaabalahan? Ngayon ko magagamit ang natutuhan ko tungkol sa talaarawan:

ORAS            GAWAIN

12:00 - 4: 00  Nakaharap sa netbuk, nagbabasa o kaya'y nagsusulat, nag-iisip ng kung ano-ano

4:00 - 6:00     Natutulog habang malakas ang paghilik

6:00 - 6: 30    Nag-aasikaso ng anak para sa pagpasok nila sa paaralan

6:30 - 10 :00  Natutulog uli  o  kaya minsan nakaharap sa netbuk, nagbabasa o kaya'y nagsusulat, nag-iisip                         ng kung ano-ano, gumagawa ng school work

10:00 - 11:30  Kakain ng ALTANG, manonood ng telebisyon at maghahanda sa pagpasok. minsan isisingit                          ang pagpaskil sa FB na papasok na ako hahahaha

11: 30 - 12: 00  Aalis na ako ng bahay iba-ibang oras araw-araw pero nasa mga oras lang na iyan basta                                oras yan ng pagpasok ko

12:00 - 6:30    Kaharap ang aking mga estudyante at kawani ng paaralan . 

6: 30 - 7: 00   Nakikipagbuno sa kalsada na makasakay kaagad, ang hirap mag-abang ng dyip pagdating sa                       kanto kung hindi puno eh punong-puno na.

7:00 - 9:00     Mamalengke, magluluto, manonood ng tv at kakain. Bonding-bonding sa mga bagets 

9: 00 - 12 :00  Nakikinig ng radyo at nakaharap sa netbuk, nagbabasa o kaya'y nagsusulat, nag-iisip ng kung                        ano-ano

Kapag Sabado naman ganyan pa rin ang iskedyul ang naiba 7:00 - 4:00 nasa NTC at nag-aaral at kapag linggo halos buong araw nakaharap sa netbuk, nagbabasa o kaya'y nagsusulat at nag-iisip ng kung ano-ano.

Ayan ngayon ko napagtatanto, nauubos ang oras ko sa "Nakaharap sa netbuk, nagbabasa o kaya'y nagsusulat at nag-iisip ng kung ano-ano." 

Iyon na yata ang mundo ko kaya siguro maraming nahihiwagaan (nawiwirduhan siguro ang mas tama hahaha) sa akin. May tumatawag sa aking "Madam"  at mayroon pang isa parang ingat na ingat sa akin pero nahalata ko na sinusubaybayan niya ako. Okey lang naman sa akin kaso pakiwari ko gusto niya akong gayahin eh ayaw ko ng ganun kasi magaling naman lahat ng tao kaso kailangang gumawa ng paraan para maipakita ito. Magkagayun pa man natutuwa ako sa kanya sa pagkilala niya sa akin atlis may isa na akong sigaradong tagahanga hehehehe. 

Hayss magulo talaga utak ko ngayon, kanina pagtulog paksa ko, tapos ano bang ginagawa ko tas biglang kawirduhan hahahaha. Magulo talaga di ba? Repleksyon ito ng aking mga balakin, sa dami ng plano ko hindi ko na alam anong uunahin at dapat bigyan ng pansin.

Nadidismaya ako sa sistema ng edukasyon sa pampublikong paaralan. Usaping PBB (Performance Based Bonus), sa tingin ko hindi maganda ang pamamaraang ginawa ng mga paaralan para makamit ito. Isinakripisyo ng karamihan ang kinbukasan ng mga mag-aaral. MASS PROMOTION ang pinaggagawa, yung mga multong mag-aaral na bigla-bigla na lang sumusulpot  o yung mga akala mo dinukot na hindi na makita ay kailangang gawan ng paraan na mabigyan ng marka at pasok na kagad sa susunod na lebel. Di ba hindi patas iyon sa masisipag na mag-aaral na pwedeng nakakuha pa ng marka ng tulad ng mga multong ito? Katwiran nila bababa ang rating at sayang ang 35K. Hayss, eh ano na mangyayari sa mga multo at akala mong nadukot? Magpapalaboy-laboy na lang para mabuhay? Tinulungan ba talaga sila o lalo lang silang ipinahamak? Nakamit mo ang ginto habang bumuo ka ng robot na kalawangin! Naisip ko tuloy tatapusin ko na ang Masteral ko ngayong taon para makalipat sa kolehiyo pero naisip ko rin sayang ang aytem ko kaya pagsasabayin ko na lang ang pagtuturo sa hayskul at kolehiyo. Pero hindi ko pa rin alam kasi nga magulo ang isip ko... Di ba napakagulo ko?

Naisip ko ring magpokus sa pagsusulat at maglabas ng libro. Dalawang buwan na rin akong di nakakapagsulat sa Salamin sa dami ng ginagawa ko (OWS, balikan mo nga yung talaarawan mo) pero ang totoo medyo naasar kasi ako hindi pa rin nila ako binabayaran sa mga isinulat ko pero okey lang naman ipon ko iyon eh. Di ba magulo na naman ako, ok lang pero naasar? hahahahaha  Sa totoo lang gusto ko talagang magsulat nang magsulat at maglabas ng sarili kong libro kaya nagbabasa ako nang nagbabasa at nakikihalubilo sa mundo ng mga sikat na manunulat sa kasalukuyan. Kaso ito na naman ang problema ko, hindi ko alam kung ano ba ang isusulat kong libro... tekbuk ba? tula? sanaysay? Isa pang tanong ko papaano ko ito magagawa?  Basta bago ako mamatay magkakaroon ako ng sarili kong libro at gagawan ko iyan ng paraan at sa ngayon ay patuloy lang akong magsusulat...

Okey matutulog na nga ako pero hindi ko sigurado kung makakatulog kagad ako kasi may mga naiisip na naman akong gawin! hahahaha magulo talaga utak ko ngayon :)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento