NATIONAL
TEACHERS’ MONTH
ni Wilma E.
Hermogenes
Natatandaan
mo pa ba ang pangalan ng unang guro mo sa paaralan? Teacher’s Pet ka ba o
Teacher’s Enemy? Ano-anong bansag ba ang naibigay mo sa kanila kung sila’y
nakatalikod? Sino ba ang pinakapaborito at pinakamasungit mong guro? Sa huli, ano
ba ang naging papel nila sa inyong buhay at napasalamatan mo na ba sila?
Mam
o Sir kung sila’y tawagin sa loob o labas man ng silid-aralan. Tagapunla ng
kaalaman at tumatayong pangalawang magulang sa mga mag-aaral. Takbuhan maging
ng pamahalaan lalo’t sa panahon halalan at itinataya maging ang buhay upang
maproteksyonan ang boto ng bayan. Ilan lamang iyan sa gawain ng bokasyong
kanilang pinili kaya naman nararapat tayong magbigay pugay sa kanila.
Sa
ilalim ng Presidential Proklamation 242 na nilagdaan ni Pang. Benigno Aquino
itinalaga niya ang Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 na National Teachers Month
alinsunod sa Worlds Teacher Day ng UNESCO (United
Nations Educational, Scientific and Cultural Organisation) na nagsimula noong
2008. Layunin ng pagdiriwang na ito na kilalanin
at bigyang pugay ang kadakilaan ng mga guro sa ating bansa bilang bahagi ng
ating kultura. Kasabay nito ang pag-endorso ng pangulo sa pagbuo at pagdarasal
ng Panalangin para sa mga Guro ( A National Prayer for Teachers).
My Teacher, My Hero
Sinong
Super Hero ng buhay mo? Nakakasiguro ako na isa sa lilitaw na pangalan ay ang
ating mga guro. Ang mga buhay na bayaning naghuhubog sa kinabukasan ng ating
bayan kaya naman sa pagdiriwang ng NAT sa taong ito ang tema ay “My Teacher, My
Hero”. Naghanda ang ating pamahalaan ng mga programa at gawain para sa isang
buwang pagdiriwang katuwang ang ilang pribadong sektor sa ating bansa upang
ialay sa ating mga buhay na bayani.
Noong
Setyembre 5 pormal na inilunsad ang National Teachers Month sa Shangri-la Hotel
Makati kassbay ang pagkilala sa mga natatanging guro ng ating bansa. Nagkaroon din
ang Smart Communications Inc., at DepEd ng Nationwide Poster, Photo and Video
Contest for Students at Nationwide Tree-Bute:
Tree Planting for Teachers. Ang Knowledge Channel ay nagdiriwang din ng Month
of Unsung Heroes na kung saan ay magpapalabas sila ng mga programa at pelikula
tungkol sa kadakilaan ng mga guro. Maliban sa mga ito ay maraming itinakdang
programa, patimpalak, seminars at serbisyong medical para sa ating mga dakilang
guro hanggang sa matapos ang buwan ng pagdiriwang.
Yellow Logo para sa mga Guro!
Ang
Metrobank Foundation Inc. sa pamumuno ng MADE (Metrobank Art and Design
Excellence) ay naghandog ng libreng seminar noong Sabado (Setyembre 15) na may
temang “Art Exploration : Teachers Training Workshop” sa Le Pavillion Hotel Pasay City. Nilahukan
ito ng humigit-kumulang na 80 guro sa NCR.
Sa
pambungad na pananalita ni G. Aniceto M. Sobrepena (Presidente, Metrobank
Foundation Inc.) ang pagpupugay sa ating mga guro ay hindi na lamang nagaganap
sa loob ng silid-aralan,nararapat laman na paglabas nila ng paaralan ay
magpatuloy ang pagpaparamdan ng kanilang kadikalaan. Ayon pa sa kanya “Look for
the Yellow Logo (My Teacher, My Hero).” Kung ang isang establisyemento ay
mayroon nito ay may diskwento o maari pang makalibre ang mga guro rito basta’t
ipapakita lamang nila ang kanilang mga ID. Ang ilan sa mga kompanyang may
Yellow Logo ay ang SM, Jollibee, Star City, FESTIVAL Supermalls, The Mind
Museum, Museo Pambata at Manila Doctors Hospital.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento