Lunes, Oktubre 26, 2015

PANDEMONEUM

Habang tuwang-tuwa ang mga bata sa isang linggo nilang pahinga mula sa paaralan ang kanilang mga guro ay patuloy pa rin sa pagpasok upang dumalo sa taunang INSET? SEMINAR? TRAININGS? PALIHAN? Binubuno ng mga guro ang limang maghapong araw na pakikinig at pagkabagot, taon-taon din naming inaasam na sana ay hindi na maulit kung ano ang napag-usapan na noong nakaraang pagtitipon o di kaya naman ay humihiling kami na sana ay makatulong nga sa aming pagtuturo ang di umanong pinaghirapan nilang mga paksa para sa aming mga guro.....

3DAYS COMPLETE ATTENDANCE TO GET A CERTIFICATE, NO HALF DAY, NO LATE! Ang papel na ipinagmamalaki nila na para sa akin ay wala na talagang dating, iyan ang hangad ng mga taong gusto ring magkapapael! Bawal mahuli kasi sabi hanggang alas-8 lamang ang rehistrasyon pero dahil sa Lunes kahapon at napakahirap sumakay alas-9 na ako nakarating. Ngunit ito ang mas nakakatawa, habang nagpapaliwanag yung emcee patungkol sa mga mangyayari sa tatlong araw, may agaw-eksena, dumating ang TATAY ng pamilya at pinatayo pa kaming lahat para salubungin ng masigabong palakpakan ang kadarating pa lang na natatanging nilalalang. HAHAHAHA :p

Napag-usapan tuloy namin ng aking ate na nakakatawa talaga dito sa Pilipinas, late na ang opisyal pinapakpakan pa samantalang sa ibang bansa tulad ng Japan talagang yuyukuan nila isa-isa ang bawat naroon para humingi ng tawad sa pagkahuli niya sa pagtititpon kahit pa isang minuto lamang ito. 

Isang paksa ang napag-usapan na may malaking tulong sa aming mga guro na patungkol sa karapatan ng bawat isa  upang hindi kami mapapahamak. Ang mga sumunod... MAY MAPAGAWA lang! Halatang walang ganap na paghahanda at inubos ang apat na oras sa paggawa ng isang output na parang di pinag-isipan at pagpapanood ng isang pelikula na bukod sa pirated ang cd eh sabog pa ang sound system kaya nakaistorbo lang sa isa pang asignatura na naroon din sa palihan.

SANA SA ARAW NA ITO MASIYAHAN AKO SA  PAGPASOK KO SA PANDEMONEUM DAHIL KUNG HINDI MAS GAGAWA NA LANG AKO NG MAS MAKABULUHANG BAGAY....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento