RENOBASYON
NG SALAMIN NG LAHI!
Ni
Wilma E. Hermogenes
PAGBABAGO
… PAGSULONG! Kambal na salitang hindi dapat paghiwalayin upang higit na maging
makahulugan. Ito rin ang isinusulong ni P-Noy sa pagtahak bg tuwid na landas.
Kaya naman iba’t ibang hakbang na ang naisagawa upang matugunan ang panawagang
ito.
Kung
bibigyang konotasyon ang pagbabago ito ay isang salitang ginagamit sa
paglalarawan ng paraan kung paano nagbabago ang isang nilalang na may buhay sa
loob ng mahabang panahon. Sa ibang katawagan ebolusyon o renobasyon ang
ginagamit. Kapag ikinabit na ang salitang ito sa bahay, ugali, salita o iba pa
nagreresulta ito ng bagong bihis, anyo o porma. Ngunit ito ay maaring magbunga
ng maganda o panget na impresyon batay sa panlasa ng mga taong makakakita nito.
SALAMIN
NG LAHI
Ang
mga babasahing tulad ng mga kwento, nobela, komiks at tula ay ilan lamang sa
mga nakasulat na nagpapakita ng ating pagkatao,masasalamin sa mga ito ang ating
kultura na habang binabaybay mo ang mga pahina masasabi mong “ parang ako ito
ha” o di kaya”y “pamilya lang naman ito ah.” Ito ay mga halimbawa ng panitikan
na nagpapatunay kung bakit tinatawag itong salamin ng lahi.
Marami
tayo nito na naisulat panahon pa ng ating kanuno-nunuan na nakaimbak sa mga
silid-aklatan o sapilitang pinapagamit sa loob ng silid-aralan bilang paksa sa
talakayan. Hindi rin maitatangging ang babasahing ito ay hindi na klik sa
modernong pag-uugali ng mga kabataan at sa bilis ng takbo ng panahon. Imbes na
magbasa mas pipiliin ng bata ngayon ang manood o kung sila’y pinapatula mas
gaganahan silang mag-rap na lamang. Obligahin silang magsuri ng pelikula
kanilang ipipilit ang Twilight o Harry Potter kaysa sa Dekada 70 o Tanging Yaman.
Ito ba ang repleksyon ng ating
lahi? Kaya bago pa man tayo lubusang malamon ng buo ng kolonyal na pag-iisip ay pigilan natin ito at
ibigay ang kanilang hilig gamit ang ating panitik.
UKAY-UKAY
HINALUKAY, BINIGYANG BUHAY, SAYSAY HIGIT NA MAKULAY!
Ang panitikan nayon ay
TILA (hindi ganap,pagtutulad lamang) ukay-ukay na gamit at pinapakinabang ng
iilan na lamang. Dahil sa medyo mahina ang hatak nito sa mga parokyano
hinalukay ito ng maigi, sinuri at nakakita ng paraan upang mabigyang buhay nang
ang saysay ay higit na makulay.
Sa isang kumperensya na aking dinaluhan isa
ito sa mga paksang tinalakay. Inilahad ni G. German V. Gervacio ang bagong bihis ng
panitikan sa panahong ito na pinamagatan niyang “Lumang
tinapay,Bagong palaman; Bagong Tinapay,
Lumang Palaman”.
Bagtasan noon, Fliptop na Ngayon!
Ang balagtasan ay pagtatalong
patula may pagkakahawig sa Fliptop na pumatok sa mga kabataan noong nakaraang
taon. Parehas na may paksang
pinagtatalunan at nagkakaiba lamang sa gamit na salita. Seryoso at matalinghaga
sa balagtasan habang may biruan,pikunan, payak na may tugma ang mga salita at
hindi maiwasan ang pagmumura o balbal na wika sa Fliptop.
Bugtong at
Pick-up-Lines
Noon ang bugtong ay isang uri ng libangan na kung saan pinapahulaan
ang isang bagay at karaniwang ginagamit sa lamay ng patay. Sa Pick-up-lines naman
nauuna ang salitang tinutukoy saka ito ilalarawan. Nagkakahawig ang dalawa sa
paraang patanong ang pagpapahayag.
Sa mga taong sentimental hilig nilang isulat ang lahat ng kanilang nararamdaman o naiisip sa isang dyornal, palihim at napakahaba ng pagsulat dito. Ngayon napakaliit ng bahagdan ang walang FB Account at ang lagi nitong tanong sa pagbukas mo “What’s on your mind?”
Kaya
naman lahat ng maisip ITINA-TYPE, KLIK at POST kaagad. Maiksi kung minsan pero
maya’t maya nagbabago at bukas sa lahat ang isinulat. Pagsama-samahin mo ang
kanyang FB Status katumbas nito’y dyornal!
Libro at
Sulatin o Blog?
Sanaysay, tula at
maikling kwento nakaimprenta sa libro, mabigat na bitbitin at sapilitang
ipapabasa sa mga mag-aaral at kinakabagutan. Ngunit kung Laptop o E-pad ang
ipalabas 100% lahat may dala. Sabihin ang URL o link na kailangang bisitahin
walang reklamo. Sa paggamit ng blog nagiging interaktib ang talakayan, mga
aralin at proyekto dito inilalagay at kahit nasa labas na ng paaralan pwedeng
ituloy ang talakayan. Mahaba man ang nakasulat sa blog ng kilalang
personalidad, puro larawan karamihan ang
nakalagay at iniindorsong produkto ang laman tatapusin itong basahin dahil
patok sa kabataan. Kaya’t ngayon karamihan sa mga manunulat sikat na blogger na
rin ngayon.
Karagdagan sa mga naibahagi ni G.
Gervacio sa kanyang tinalakay,narito ang ilan pang bagong anyo ng panitikan:
Suso o
Sobre?
Liham ang isa sa
pinakaunang paraan ng pagpapadala ng mensahe na ngayon ay tinatawag na Snail
Mail dahil sa tagal ng pagtanggap nito na inaabot ng ilang araw depende sa layo
ng lugar na pagdadalhan nito. Ngayon ilang segundo lang maari mo ng ipadala ang
iyong mensahe gamit ang E-mail.Sa
pagpapakilala ng mga bagong akdang panitikan, isa sa pinakamabilis na behikulo
ang E-mail.
Katahimikan
o Sinuswerte Ako?
Ipasaliksik ang isang
paksa o ipahanap ang isang akda asahan mo kaysa magtungo sa silid-aklatan na
kinapapaguran nilang gawin si Google ang kanilang tatanungin. Isusulat ang
paksa sa kahon,klik ang hanapin na buton presto higit isanlibo ang pagpipiliin mo at Wikepedia madalas sasagot sa
tanong mo. Ang nakakalungkot pa, Copy-Paste ang ipapasang takda.
Entablado
o You Tube?
Marami ring likas na
artista sa mga Pinoy dahil sa husay sa pag-arte at paborito itong gawain
sa mga paaralan. Ayaw na kung misan ng mga mag-aaral ang aktwal na pag-arte
lalo’t sa harap ng klase ito gagawin. Ngayon aarte sila sa harap ng kamera at upload video sa You Tube ang gusto nila
at ang iba paramihan pa ng likes ang labanan para makakuha ng mataas na marka
kahit na pag-arte ay sablay at gawa’y katawa-tawa.
Estatwa
o Anime ?
Mahilig din tayong mga
Pilipino sa mga kwento ng kabayanihan na paksa sa mga epiko tulad ni Lam-ang,
si Panday na nagmula sa komiks hanggang sa isapelikula ito at ang kwento ng
pakikipagsapalaran sa koridong Ibong Adarna. Ngayon maari na silang bigyang
buhay at irampa sa entablado habang isinasalaysay ang kanilang kwento.
Konseptong kinuha sa Cosplay na kung saan nakadamit ng Anime Character ang mga
indibidwal nahihilig dito at rumarampa sa entablado.
Si Natsuki JiroPogi (di
tunay na pangalan), isang Cosplayer ay
tinanong ko kung makabagong anyo ba ng panitikan ang kanyang hilig at ayon sa kanya “masasabi ko naring bahagi ng panitikan un dahil sa
patanghal mam, pag nag-cosplay. kailangan ng mga dayalogo at iarte ung karakter
mo sa harap ng mga tao”. Sumasang-ayon
siya na mauuri bilang makabagong anyo ng panitikan ito bagamat dayuhan ang nagpakilala
nito sa bansa at magagamit sa ating sariling panitikan.
MODELO AT PATOTOO
Higit
dibang nabigyang kulay ang ating panitikan sa pagbabagong bihis nito na akma sa
kasalukuyang panahon. Kumbaga sa
pagsusulat makinilya noon at laptop na nayon ngunit iisa ang hangaring makabuo
ng istorya para sa mambabasa. Isa pang matibay at konkretong pagpapatunay ng
pagbabagong bihis ng panitikan ay ang pahayagang PILIPINO MIRROR, ang mga seksyon ng pahayagan ay naririto at
dinagdagan. Layuning maghatid ng pinakabagong balita at maging salaminn ng
katotohanan na naglalayong ipasok ito sa mga paaralan at simbahan upang maging
isa sa kagigiliwang babasahin. Higit na malaki ang sukat kumpara sa ibang
tabloid at hitik sa nilalaman. Ang pinakakaiba rito ay ang pagkakaroon ng
dalawang headline.
Asahan
pa natin sa mga susunod na araw ang mga pagbabago sa ating patinikan na patuloy
nating pagyayamanin at kagigiliwan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento