Korniying - ang WEH dictionary na mga biglang nasasambit na mga pahayag na seryoso dapat ang kahihinatnan pero nauuwi sa kakatwang halakhalakan, hindi naman sinasadya pero nakakatawa talaga.. In short.. mga banat na wala sa hulog .
Korniying 1...
Ang paksa ng usapan ay tungkol sa pagkukwenta na ang pinupunto ng aking kaibigan ay higit na mataas ang credit ng Science kaysa sa ibang subject..
Potchi : (may pinapalawinag siya na computation pero mali ang result)
WEH : hahhahhaha confidence ka pa ha :P
wala tawanan na naman ang lahat :)
Korniying 2... (March 20, 2012)
WEH : Neil gubat ka ba?
Neil : Bakit? (pilit pero natatawa na sya)
Sec : Para kasi akong nasa gubat kapag nakikita kita, nakakalbo na.
PEACE Neil :P
Korniying 3....
Nagmamadali si DFA Sec. bibili RAW ng damit pero di masagot-sagot ang mga tanong namin kaya alam na namin kung sino ang kanyang kasama, kaya sa pangungulit namin ito ang nangyari...
Juliet : Bye...
WEH : Basta pag di ka nakauwi punta ka na lang ng ARISTOTLE...
(with confidence sa pagsasalita at ang daming estudyante sa loob at tila natigilan ang lahat sa sinabi ko at tanging si G. Valentino ang nangibabaw sa pagtawa ng malakas kaya nagkalakas ng loob ang mga bata na sumabay sa kanya, syempre maski ako natawa na naman sa sinabi ko hahahahha :P)
Neil : Anong ARISTOTLE??? Ano yun new branch... hahahahhaah.
WEH : Ay ARISTOCRAT pala hahahhahaha.
Neil : WAHAAHAHAHHAHAHA... baka Astrotel ang ibig mong sabihin.
WEH : hahahahaha oo nga pala...
at sabay-sabay na naman kaming nagtawanan sa mga banat kong di naman sinasadyang pagtawanan bagkus layunin kong magbigay lamang ng aking sariling pananaw ngunit madalas nakakatawa lang talaga :P
HAHAHAHAHHAHAHA.....
Korniying 4 (April 12, 2012)....
Pagkatapos mamili ng panregalo sa isang natatanging tao na malaki ang naitulong sa amin dahil sa napagod ay nagpasyang kumain at sa paghahanap sa lugar na iyon...
Neil : Wag dito mam..maingay!
Mami Tinz : Tara tingnan natin yung sa baba Lo******* (nakalimutan ko ang pangalan).
Habang pababa ng eskaleytor na di umaandar...
WEH: Mam kumain na sila Pres diyan eh parang presyo lang ng SILVER SWAN.
Natigilan ang lahat at biglang nagtawanan.
Neil : Tara diyan na lang tayo, syete pesos lang pala pagkain diyan eh. hehehehehehe
Korniying 5 (April 13, 2012)...
Kumakalat na ang lahi ko at nahahawa na sila HAHAHAHAHAHAHA :P
Kapanalig 1...
Potchi : Weh pinagupitan mo sila pero parang mas mahaba yung kay Jha-Jha.
WEH : hindi pantay lang sila bagsak lang kz muhok ni jem-jem.
Potchi : Tingnan mo oh ... FLY OVER na ung buhok niya.
WEH : (LAKAS NG TAWA) FLY OVER baka FLY AWAY..
At ikinuwento pa sa mga kasama upang malaman na di ako nag-iisa heheehe.
Kapanalig 2...
Neil : May booking kz ako, pinag-uusapan namin yung paglalaro namin ng badminton.
Ann : hayyyys buti pa kayo at maglalaro na lang ako mag-isa.
Neil : Wow ha parang kaya mong habulin yun wahhaahaaa.
Ann : Oo naman baka ung 6 POCKETS ko maging 8 POCKETS na.
Neil : wahahaahahaha 6 Packs kaya un, ano yun pitaka washahahahaah. WEH kumakalat na lahi mo.
WEH: Ann you belong!!!
Lahat ay nagtawanan na :))))
Korniying 6 (May 3, 2012)
Muling nasilayan ang isang mag-aaral na bumalik sa huling taon niya sa hayskul. Syempre nagkamustahan kung ano na ba ang nangyari sa kanya.
WEH : Saan ka ba napunta pagkatapos mong mag 1st yr dito?
Jovi : Sa Monsay po Cubao.
WEH : Wow ha, maganda dun at matatalino ang estudyante. Maganda ang standard nila.
Mrs. Moreno : Oo nga po eh, dun din kasi ako nag-aral at malapit yun sa Kuya niya.
WEH : Kamusta naman STANDARD mo dun?
Potchii at Mam Tinz (Natahimik at napatingin sa akin.)
WEH : Ay kamusta ang standing mo dun?
Jovi : Ok naman po. Sige po Mam una na po kami.
WEH : Sige ingat at kita na lang tayo sa pasukan.
Pagkaalis ng mag-ina.
Potchii : STANDARD ahhh, teka maisulat ko nga para di ko makalimutan hahahaha.
Mam Tinz : Nagulat ako sayo WEH hahahahahaha.
Napatawa ko na naman sila :P
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento