Lunes, Oktubre 5, 2015

PITONG KULAY NG BAHAGHARI



PITONG KULAY NG BAHAGHARI

Bahagharing makulay
Tulad ng ating buhay
Ila’y bibigyang saysay

Bangkolong ko’y nangarap
Nais noo’y panulat
Ba’t lente ngayo’y hanap!

Dunong na hinahanap
Aklatan ay pahirap
Kay google nag-apuhap

Pagpaskil ng salaysay
Limiing buong husay
Kayraming nakatunghay

Daang-bakal ay pulpol
Daana’y buhol-buhol
Sayang oras na gugol

Agawan nang upuan 
Muling matutunghayan
Pagpasya’y nasa bayan!

Suriin ang sarili
Nakita ba ang lahi
O lipi’y inaglahi?


Ito ay lahok sa sa Saranggola Blog Awards 7 www.sba.ph.


1 komento:

  1. lahok sa sa Saranggola Blog Awards 7 at nakalink sa www.sba.ph.

    dayangdunya.blogspot.com/2015/10/pitong-kulay-ng-bahaghari.html

    TumugonBurahin