Lunes, Oktubre 31, 2011

PANAWAGAN SA INYONG PAGKAKAKILANLAN!

Ang pagbuo ng inyong blog ay kasama sa inyong Class Participation na binigyan ko ng 20 puntos kung makabuluhan ang mga nakalagay sa inyong blog.  Sa pagkakataong ito mayroong 44 na mag-aaral ang nabigyan ko na ng puntos:
      Honesty - 4
      Kindness - 2
      Charity - 29
      Cheerfulness - 4
Samanatalang ang mga sumusunod na blog ay hindi ko pa nabibigyan ngpuntos dahil walang pagkakakilanlan kaya mangyaring ayusin sa lalong madaling panahon upang mabigyan kayo ng puntos:

  • trisha_polly2006
  • cynthiagonzales
  • adblackjack2ne1
  • king
  • jave
  • jerc barbie
  • cyram07
  • kim nosido
  • deidara_akatsuda 2010
Kung higit sa isa anginyong ginawang blog mangyaring burahin na ito upang hindi magkaroon ng kalituhan. Ayusin ang inyong blog...

Pagpaumanhinsa Pangkat ng I-Respect, sa susunod na markahan na kayo makakasali sa Klasepedia.

Happy Holloween at Maligayang Kaarawan sa Ina ng First Year Assembly Mam Agustina M. Lapuz :)


Adbertisment ng Pangkat nila Gonda ng I-Charity :)

http://jennygonda.blogspot.com/2011/10/ito-ang-patalastas-na-ginawa-ng.html?showComment=1320080583809#c6982369216650549558

Linggo, Oktubre 23, 2011

IDOL... Pag-asa ng Bayan!!!

Anong masasabi ninyo sa napanood ninyong pelikula? Sang-ayon ba kayo sa paliwanag na ibinigay ng direktor? Anong bahagi ng pelikula ang nakapukaw sa inyo ng pansin at bakit? 

Sabado, Oktubre 15, 2011

Pick-up lines ni Mam Weh

Patama sa isang nilalang :


Trabaho ka ba?
Kasi nakakapagod ka na eh...
Gusto ko na tuloy mag-file ng leave
o kaya Resignation na!!!

Nasabi sa isang kaibigan:

Kamag-anak mo ba si Maria Clara?
Konserbatibo kasi ang dating mo
pero makamundo kang talaga :)

Ikaw may Pick-up Lines ka ba? Ibahagi mo naman dito oh, hihintayin namin :) 

Paalala mga giliw kong mag-aaral :)

1. Paghandaan ang Ikalawang Markahang Pagsusulit. 
Tandaan walang mahirap na pagsusulit sa nag-aral ng mabuti.


2. Gawin ang proyekto ng maganda, maayos,kaaya-aya at may laman. Tandaan : Anong silbi ng magandang nakikita kung wala ka namang matutunan. 
  • Dalit Postkard - Okt. 17, 2011
  • Advertisement tungkol sa Globalisasyon - Okt. 24,2011
  • Sulating Pangwakas - Okt. 17, 2011 (Gagawin sa silid-aralan) 

Biyernes, Oktubre 7, 2011

Silid-aklatan ng Honesty :)

Isang araw na paghahanda 
Pinagtulunga't pinaganda
Bagamat kumalam ang sikmura
Natapos nang kahanga-hanga:)





Nagbabahagi lamang po dahil maganda ang kinalabasan ng aming Munting silid-aklatan.

Mahuhusay na Likha :)

Narito ang ilan sa mga natatanging mga gawa ng mga mag-aaral sa Unang Taon.

Gawain : Piktyur-Kolads at Islogan

Mula sa I-Honesty Christian Valdez


Mula sa I-Charity

Dhan Cris Candelaria


Gio Angelo Castro


Mula sa I-Cheerfulness Dreff Palaganas


Abangan na lamang ang mga likha mula sa Kindness at Respect :)
Maaring magbigay ng puna sa mga napiling larawan, ikakatuwa ko at ninyo kapag nagbigay kayo ng inyong opinyon :)

Martes, Oktubre 4, 2011

Unang Gawain: Pagbuo ng Patalastas/Adbertisment tungkol sa Globalisasyon

Ito ay Pangkatang Gawain na kung saan kailangan ninyong bumuo ng isang adbertisment tungkol sa Globalisasyon. Maging payak,informativ at nakakahikayat ang gagawing ads, ang huling araw ng pag-upload ng inyong adbertisment ay sa Oktubre 14, 2011. Upang higit na mapaganda ang inyong ads, narito ang Rubriks sa paggawa ng Adbertisment:

Rubriks sa Paggawa ng Adbertisment

Dimensyon :
                                                                                               
1. Nakakahikayat at kaagad na nakakuha ng atensyon ang ads.          4     3      2     1
2. Maikli ngunit malinaw ang pagkakalahad ng mensahe.                     4     3      2     1
3. Mahusay, praktikal at kaakit-akit ang adbertisment.                        4     3      2     1
4. Matapat nitong nailahad ang mga benipisyo ng ads.                         4     3       2    1
5. Sa kabuuan, mahusay na nakapaglahad ng impormasyon.                4     3      2     1

4- napakahusay           3  mahusay           2- katamtaman          1-nangangailangan ng pagsasanay

16-20 -Napakahusay         11-15 Mahusay               6-10 Katamtaman       1-5 Kailangan ng pagsasanay

Upang higit na mapaghandaan narito ang halimbawa upang maging gabay:


Kaya ninyo iyan :)
Inaasahan ko ang inyong proyekto.

Salamat.

Linggo, Oktubre 2, 2011

Tara na sa Klasepedia :)

Mga Giliw kong Mag-aaral, ikinagagalak ko na kayo'y maging bahagi ng aking blog. Ito'y isang interaktibong pag-aaral na kung saan ipapamalas ninyo ang inyong kahusayan sa asignaturang Filipino. Sa blog na ito malaya kayong magpahayag ng inyong saloobintungkol sa mga araling ating tinalakay o maari rin namang kung gusto lamang magpahayag ng saloobin ay maari rin :)

Layunin : 
1. Mapahalagahan ang asignaturang Filipino.
2.Magamit ang asignatura sa interaktibong pamamaraan.
3. Maipamalas ng mga mag-aaral ang pagiging malikhain.
4. Mapaunlad ang komunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral.
5. Magkaroon ng ugnayan ang guro at mag-aaral sa labas ng silid-aralan na kawili-wili at may bahid ng pag-aaral.


Tuntunin :
1. Magpatala bilang tagasunod. Ilagay ang buong pangalan at sekyon.
2. Magbigay ng saloobin/opinyon sa paksang ilalahad ng guro.
3. Ibahagi ang angking galing sa pagsulat o pagpapahayag.


Maraming Salamat at Inaasahan ko ang inyong Pakikiisa :)