Huwebes, Oktubre 1, 2015

BIYAHERA

 


Paglagpas sa Tollgate, may bagong busmate. Isang lalaki na pinling sa likod sumisiksik para nga naman di maipit. Aba itong si busmate may talent! Ang kanina pa naming tahimik na pakikinig sa musikang pinoy na kaibig-ibig, biglang naging videoke pagkat may bumibirit. Si busmate damang-dama ang musika at tila propesyonal sa kanyang pagkanta. Agaw eksena talaga kaya mga katabi'y pigil ang tawa habang ako'y pasimpleng sinipat kanyang itsura. Maya-maya'y isang tinig ang nangibabaw "Sino pang bagong sakay?" Aba biglang nanahimik ang mang-aawit biruin mo artista rin pala ang buwisit! Sayang ang lente ko'y walang imbakan ng larawan, di ko tuloy napikturan ang busmate kong manggugulang!
 








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento