Miyerkules, Pebrero 29, 2012

HONESTY LANG SAPAT NA !


HONESTY lang SAPAT NA
Likha ni Mama

Himig ng aking damdamin aking ipadarama
Saking apatnapu’t dalwang anak na mahalaga
Inasahang dumating upang silay makilala
Pagsapit saking buhay labis kong kinasiya !

Obligasyon sa kanila ay aking ginampanan
Sa panimula ng taon silay pinapurihan
Pinakatahimik kaya't ako ay nasiyahan
Bagamat hindi ko sila lubos na maramdaman.

Nanatiling mailap sa paglipas ng mga buwan
Hinahanap ang iba sa kanilang katauhan
Lubos na pagkilala sa kanila'y hinadlangan
Kaya’t ang panahon sa isa’t isa’y nabawasan.

Ewan ko ba at ang tagal ng panahong hinintay
Nang kamiy magkaisa sa araw ng lakbay-aral
Lahat ay naging masaya bagamat may mga ekstra
Kulitan sa loob ng sasakyan ay walang humpay

Sa basagan ang lahat ay nakiisa’t tumawa
Dalawang pangkat ay di maawat sa pagsasalita
Kahit na may napipiko’y tuloy sa arangkada
Kayat ng uwian na ay walang boses ang iba.

Tapos na ang katahimikang yugto saming pangkat
Mga tinatagong kakulita’y kanilang inilabas
Pinangunahan ng MAGIKERO KONG walang kupas
Madalas mang pagalita’y NATATANGI SA LAHAT J
 
Yagit man sa ibang bagay galante sa tawanan
Laging may kasiyahan kahit na mapagalitan
CHOOKS,DONG,MR.PALENGKE,KABAYO,GILAGID at POKNAT
Ang ilan sa mga suki sa kanilang tuksuhan.

Sa kanila ay hindi rin mawawala ang mga pasaway
Na labis kong kinainisa’t laging sumusuway
Ang TATLONG MARIANG manggugupit na walng kapantay
Mga “CONSISTENT LATE COMERS” na madalas sabay-sabay.

Ang mga LALAKING BASTUNERO’T ayaw magpagupit
Sa kwarantin si Sir Almorin ang sa kanila'y nangungulit
Doo’y pinagsasabihan upang di na umulit
Ngunit may ilan parin na sadyang napakakulit.

Pati ang problema sa puso’y kinakabahala
Madalas na mapahamak ang ANAK kong kawawa
Sa labis na pagmamahal siyay napapasama
Kaya’t siya’y aming tinulungan at inuunawa.

Ang mga munting pagtatampuhan at ilang awayan
Sinisiguradong agad itong masusulusyonan
Sa pagtutulunga’t damaya’y di matatawaran
Mga katangiang nasilaya’t aking hinangaan.

Talagang di matatawaran ang aming pamilya
Sa kasiyahan at kalungkutay magkakasama
Makulit may PINAKAMABAIT samin nagmula
Ika nga namin “HONESTY LANG SAPAT NA,SAN KA PA!”

Nawa’y  ating pinagsamaha’y manatiling buhay
Mga alaala na sadya namang walang kapantay
Mga kaalamang natutuna’y laging isabuhay
Ikintal  sa kaisipan upang maging gabay.
 
Ang tangi kong hiling na sawa ay inyong matupad
Sa muling pagkikita ngiti lang ang sayo’y hangad
Di man tayo magkakasama sa iisang silid
Sa puso ko ay naroon kayo at nakasilid. ! 

♥♥♥MOM_WEH ‘10♥♥♥



Miyerkules, Pebrero 1, 2012

KLIK????

Nang ika'y dumating saking buhay                                                
nadagdagan ang mundo ko ng kulay                                              
bagamat may pag-aalinlangang tunay                                            
hinahawi mo lagi  ang aking lumbay.                                  

Naging mahalaga ang ora's sa isa't isa                                  
walang mapaglagyan ang tuwa sa tuwing magkasama                
nakakalimot sa mga dinadalang problema                          
sa mundo para lang tayong dalawa.                                          

May takot man at pag-aalinlangan                                    
ipinagpatuloy dahil sa di malamang kadahilanan                  
batid ang maaring nitong  kahinatnan                                
kahit sa huli walang patutunguhan.                                                                                  

Inaasahan namang di ito magtatagal
ngunit bakit kay hirap na matanggal
paglisan sa isip ay sadyang kay bagal
sa puso'y ayon at nahambal.

Sa bigllng pagbitiw kay hirap tangggpin
ngunit ang ibig ko namay ikay pasayahin
alam ko namang ika'y di para sakin
at ngayon ako ay labis na nagdidimdim!!!

Panong matatangap ang lahat
kung alam kong ito'y di sapat
ano ba ang nararapat
upang akoy maging dapat!!!!

Kahit pagkakaibigan na iyong pinangako
tila pako na napako at ibig mong maglaho…
kawalang halaga ang naramdaman ko
tila basura na basta na lamang pina-aso!!!

Sakit sa puso'y tila mga tinik
kapalit moy di mabilang na pasakit
karma nga sigurong matuturing
Habang sayo’y wala lang din… :(


Huwebes, Enero 12, 2012

1-12-2012

Subya sa aking puso kung kinalaunan
Marinig ako'y sutla lamang sa kalooban
Malimit na inuunawa ang aming kapintasan
Katumbas nito'y pag-aalapaap sa aking kapantasan.

Higit kailanman kaydikit kung sa inyo'y mapapakinggan
Makailan ulit ako nyang pinahirapan,
Nagnuynoy ng kasagutan hanggang mapata ang isipan
Binabata kong lahat bagama't gusto ko na lamang gumulaylay o magtanan!

Ngunit hindi maikukubli ang katotohanan,
Iyang mala-engkanto niyang katangian,
Sadyang hindi matatawaran,
Ako'y pinangko niya tungo sa karunungan!!!

Biyernes, Enero 6, 2012

I - Cheerfulness (2007-2008)

Sa Pamantasan ng Manila Sentral
Ako'y nakabuo ng masayang pamilya
Sa ikalawang palapag ng gusali nanahan
Apatnapu't siyam na bata itinaguyod ng isang ina.

Sa simula ng samaha'y nagkakahiyaan
Nagpapalagayan ng loob at nagkakakilanlan
Nang lumao'y nagkamabutihan
Lumabas ang kani-kanilang katauhan.

Nariyan ang presidenteng madaldal
Tawa niya'y sadyang nakakasasagabal
Kakambal ang bise prersidenteng napakakulit
Sa kakwelaha'y walang hindi sasabit.

May Mayor na lider ng lahat
Sa kalokoha'y sadyang nagpupumilit
Nariyan din ang Boss na sadyang kakaiba
Kapag bumanat lahat nagagambala.

Si Garot na hindi pahuhuli
Bukambibig niya'y nakakatulili
Si Arao na sadyang pasikat
Ang pag-uuwit niya'y nakagugulat.

Bawat isa'y may pagkakakilanlan
Tatak nilasa ating samahan
Kung ang bawat isa'y babanggitan
Higit sampung pahina ang kakailanganin.

Sa gitna ng pagsasama'y may dalawang lumisan
Ayaw man ng lahat ngunit iyon ang nararapat
Nagpatuloy ang buhay bagamat mayroon ng kulang
Samo't saring kaganapan ang ating pang pinagsaluhan.

Sa klase kailanma'y hindi mawawala ang kasiyahan
Bagama't seryoso sa talakayan biglang papasukan ng kakwelahan
Kaya't kapag ako'y sumigaw at nakukunsumi na
Panandaliang tatahimik at hahanap ngpagkakataong makaratsada.

Sa "log book" suking-suki at nangunguna
Sa dami ng kalokohan'y bidang-bida ang pangalan nila
Kaya naman hindi maiwasang magalit
Nang kanilang ina na sadyang napakabait !

Ika nga ng ilan ako'y inang matampuhin
Makailang ulit na nagdamdam 
Walang sinumang pinapansin
Kapag hindi tinupad ang aking habilin.

Ngunit magkunwari mang galit
Sadyang hindi sila matiis
Kapag ako'y napatawa na nila
Nabubuko ang aking pagdadrama!

Kung may mga pagkakataong kayo'y aking nasaktan
Patawad at iyon lama'y paraan ng aking paggabay
Kung mayroon mang pagkukulang
Pasensya't iyon lamang ang aking nakayanan.

Sa lahat ng pinagsamahan sa buong taon
Salamat sa iginugol na panahon
Kayo'y habambuhay na ituturing kong mga anak
Na sa puso't isipan ko'y nakatatak.

-Nay Hermo :) 2008