Miyerkules, Marso 13, 2013

Pagsasalin ng isang Akda


http://studio.stupeflix.com/v/XcvPJKg29g/

Pakitingin ang link na ito upang biswal na mapanood ang isinaling akda :)

Texstong Isasalin :



·         Dearest son/daughter...
·         The day you see me old and frail and failing, have patience and try to understand me …
·        If I get dirty when eating… if I cannot dress myself… if I am forgetful… have patience with me. Remember the hours I spent teaching these things to you .
·        If, when I speak to you, I repeat the same things a thousand times over… do not interrupt me… listen to me. When you were small, I had to read to you a thousand and one times the same story until you fell asleep...
·         When I do not want to have a shower, neither shame me nor scold me… Remember when I had to chase you with my hundreds of invented excuses… just to get you to wash your hands or take a bath.
·         When you see my ignorance on new technologies… give me the necessary time and try not to look at me with your mocking smile…
·         I taught you how to do so many things… to eat well, to dress right and to confront life. Help me to confront my own aging ways, by being patient with me…
·         When at some moment I lose the memory or the thread of our conversation… let me have the necessary time to remember… and if I cannot do it, do not become anxious… as the more important thing is not my conversation but simply to be with you and to have you listening to me…
·         If ever I do not want to eat, do not force me… I know well when I need to and when not.
·         When my tired legs do not allow me walk ...
·         give me your hand or your arm … the same way I did when you gave your first steps.
·         And on those days when I am weary, discouraged or cranky, do not get angry… some day you will understand…
T    Try to understand that my age comes with limitations that are not of my choosing.
·       Some day you will discover that, despite my mistakes, I always wanted the best things for you and that I tried to prepare the way for you.
·        You must not feel sad, angry or fearful of the way my life is changing. Just be next to me, understand me and help me… as I did when you began your life.
·        Let me not walk alone… help me to my end with love and patience. I will pay you with a smile and by the immense love I will always have for you.
·        I love you with all my heart and being… my dearest son/daughter, Your father/mother
·        
Texstong Salin: 


Mahal kong anak,
Sa pagsapit ang aking katandaan,
Ako sana’y pagpasensyahan at unawain .

Kung sa aking pagkain ako ay marumihan,
Sarili’y hindi magawang bihisan at nagiging makakalimutin,
ako’y iyong unawain. Alalahanin ang mga panahong itinuro ko ang mga ito sayo.

Kung sa pakikipag-usap ko sayo, paulit-ulit ang aking mga sinasabi. . huwag mo akong pigilan.. . ako’y iyong pakinggan.
Noong musmos ka pa lamang, makailang ulit kong binabasa sayo ang paborito mong kwento hanggang sa ikaw ay makatuog.
Kung may pagkakataong ayaw kong maligo, huwag mo akong ikahiya o kagalitan  . . . Alalahanin mo ang mga sandaling kinukulit kita maligo ka lamang.
Kung makita mo ang aking pagkamulala sa mga bagong teknolohiya . . .huwag mo akong ngitian ng may pang-iinsulto, bigyan mo ako ng sapat na panahon na matutunan ang mga ito
Tinuruan kita ng maraming bagay . .  ang kumain, gumayak ng maayos at harapin ang buhay. Tulungan mo akong harapin ang aking katandaan sa pamamagitan ng pagtityaga mo sa akin.
Sa mga sandaling ako’y nakakalimot sa gitna ng ating usapan. . bigyan mo ako ng sapat na oras upang ako’y makaalala. .  at kung sadyang hindi ko na matandaan ang mga iyon, huwag kang mangamba. . . dahil ang higit na mahalaga sa pag-uusap na iyon ay  tayo’y magkapiling habang ika’y handang making sa akin. . .
Huwag mo akong pilitin kung sakaling ayaw kong kumain. . . alam ko kung kalian koi to dapat gawin.
Kung napapagod ang aking mga paa at hindi ko na kayang maglakad
Ibigay mo sana ang iyong mga kamay  . . .  tulad ng ginawa mo sa una mong pagtatangkang humakbang.
Sa mga araw na ako’y  hapo, dismayado at naiiinis . . . huwag kang magagalit . . .  balang araw ako’y mauunawaan.
Maunawaan mo sana na sa edad kong ito kayrami ng limitasyon na wala sa aking kagustuhan.
Pagdating ng panahon mababatid mo na sa kabila ng aking mga kahinaan, hangad ko ang lahat ng makakabuti sayo at pinilit na maisakatuparan ang lahat para sayo.
Huwag ka ng malungkot, magalit o matakot sa mga pagbabago sa aking buhay. Sapat ng ika’y nasa aking tabi, umuunawa at tinutulungan ako. .  tulad ng ginawa ko sa pagsisimula ng iyong buhay.
Huwag mo akong hayaang humakbang na mag-isa. . . samahan mo ako hanggang sa huli ng may pagmamahal at pag-unawa. Susuklian kita ng may ngiti at malaking pagmamahal na laging handang ibigay sayo.
Mahal kita ng buong puso aking anak.
 

Huwebes, Marso 7, 2013

ITO SANA EH. . .



Himig ng Buhay
Ni Wilma E. Hermogenes

Tumilaok ang manok
Napahiyaw sa kirot
Impit na tinig paulit-ulit
Bulahaw ang sumunod
Pag-iyak ang siyang pumalit

Hinaplos, hinagod
Katawang marupok
Inilapat sa dibdib
Kinalong sa bisig
Napaluha sa pagtitig
Sa gabing tahimik
Higaa’y lalangitngit
Kapag hikbi’y naghudyat
Mabilis na kaluskos
Sasaliw sayong lubos!

Oyayi’y maririnig
Sisiyap sa mga bisig
Hanggang sa mapapikit
Makakawala sa pagkakapit
Hilik ng kaharap ang papalit

Kampana ng orasa’y kaybilis
Makailang ulit na bisig ay naglingkis
Kay tutunog ng mga halik sa labing kaynipis
Alingawngaw ng halakhak tila tumatangis
hindi matatawara’t walang kaparis!

Nakagapang kung saan-saan
Nakakapit at nakatayo sa hawakan
Unti-unting binitiwan hanggang paa’y humakbang
Pagtaybo’y hindi na mapigilan
Natisod, nadapa’t nasugatan.

Tumawa, umiyak
Nangulit, nambwisit
Pumalpak, lumagapak
Umahon, umangat
Ibinuka ang mga pakpak.



Pangala’y umalingawngaw
Paksa sa mga umpukan
Presensya’y nakakabulahaw
Nakakabingi ang mga sigawan
Napapaos sa paghiyaw. .

Humarurot sa mga daan
Kalansing ng bulsa’y di nauubusan
Inaaksaya ang sagitsit sa lutuan
Tila daloy ng swerte’y walang katapusan
Humahaginit sa lahat ng maisipan. . .

Bumuhos ang malakas na ulan
Nakuryente sa kidlat ng kapalaran
Dumagundong ang mundong ginagalawan
Lumagapak sa pwestong pinaghirapan
Nabasag ang salamin ng kagandahan!

Pangala’y muling umalingawngaw
Paksa sa mga umpukang sumisingaw
Presensya nila’y nabubulahaw
Nabibingi sa mga isinisigaw
Napapaos na sa pagbulyaw

Baso’y bumagsak mula sa pagkakahawak
Sumunod ang alulong na nakakasindak
Bintana’y bumukas sa hanging humampas
Tumunog ang orasan upang magkamulat
Ngunit walang pumihit upang ito’y magwakas…

Tumilaok ang manok
Napahiyaw sa kirot
Impit na tinig paulit-ulit
Bulahaw ang sumunod
Pag-iyak ang siyang pumalit.. .