PAHANIG - kalipunan ng mga maiikling likha na mabilisang nagawa dahil sa bugso ng damdamin at madalas ang layunin ay magparinig upang mamulat sa nangyayari sa paligid. Kaya ito ay hinango sa dalawang salita na pahayag at parinig.
April 14, 2012 ( aesthetic )
Sabi sa Jessica Soho:
"Kung ganda at charm lang ang hanap at maipagmamalaki mo,
napakadali na niyan sa panahon ngayon."
pero para sa akin
"Kung wala ka ng ibang katangian na kailangan sa mundo ngayon
hayssss DISPLAY KA NA LANG."
TAMA :P
April 12, 2012 ( UNRELIABLE)
Ganun ba iyon?
Parang hindi naman kapani-paniwala...
Parsa ba ang naganap o komedya?
Ngunit sa tingin ko mas akma ang Trahedya...
Ang husay talaga ng genreng ito,
kapana-panabik ang pagbubukas ng telon
at nagiging kahindik-hindik ang pagsasara nito :))
April 2, 2012 (para sa nangyurak sa kapwa ko guro/kaibigan na di dapat pamarisan)
Hindi lahat ng tumatapak sa entablado ay edukado at karapat-dapat,
Mayroon diyan nadala lang ng pangkat pero wala naman talagang binatbat at puro lang satsat,
Walang ibang kayang gawin kundi magmayabang at iaako ang sarili na kung sino siyang magaling,
Kung susuriin, ang mga tulad niya ang takbo ng utak ang siyang tagapagtangkilik ng hungkag niyang pag-iisip,
Gamitin ang utak baka sakaling mapiga iyan at may maganda kang ibanat...
April 1, 2012 (ESCAPE GOAT)
Kung kaya mong gawin ang isang bagay hindi mo kinakailangang maghanap ng ibang dahilan para magawa mo ito dahil natural iyang lumalabas sa taong may likas na kakayahan at pagpapahalaga sa kanyang lipunan.
Marso 31, 2012 (JELLY MOMENTS)
Kailangan hanggat sila'y pumupalaot at namamangka sa tabi mo panghawakan mo dahil kapag napadpad sila sa iba masaktan ka man hindi na nila iyon ramdam dahil nalulunod na sila sa ilog na sa pagdating ng panahon ay muling matutuyo't pupunan muli ng tubig na likha ng panibagong elemento. . . .
Marso 29, 2012 (IYA)
Nagkalat sa paligid ang mga ARTISTA...
ang iba tila PROTAGONISTA kung mang-agaw ng eksena,
ngunit sa huli ang mga EKSTRA mawawala rin sa istorya :))))
Marso 19, 2012
Ang kabulaanan ng isip ay nagpapahirap ng kalooban. . .
Hindi masamang magpakumbaba at magsabi ng katotohanan kung ikakabuti ng katauhanan.
Kung minsan kabalintunaan ang ipinapakita ng isang pusong pinamamahayan ng salaghati at pata
dahil batid niyang siya'y naamis sa pingkian at pindang na kanyang nilikha..
Marso 11, 2012 (propesyunal eh)
Kung sino man ang magsabi patungkol sa isang paksa
kailangan hindi lamang sa salita,
isabuhay din sa gawa upang ito'y mapatunayan at sa inyo'y makita :)
Marso 8, 2012 (IKAW NA)
Kung minsan sipag at diskarte lang talaga ang kailangan
para mapagtakpan ang paghahamon ng isipan...
Baka nga sakali mailagay sa pedestal at malagyan ka ng istar!
Marso 7, 2012
oksimoron ang mga pangyayari
silang mga sawi't kalokoha'y di maiwaksi
tinatangkilik at pinupuri...
sa pag-asang ipinapakita
hindi madama ang tunay na ligaya...
at
habang tumitibay ang pagsasama
pisikal na presensya'y nawawala :(
Marso 5, 2012 (nagawa namin ni Potchie)
HINDI SA LAHAT NG PAGKAKATAON IKA'Y NASA UNAHAN,
KUNG MINSAN MAILALAGAY KA RIN SA HULIHAN.....
.
.
.
.
SEATING ARRANGEMENT!!! :P
Oktubre 4, 2011
Nakalulungkot isipin na ang kaibigan at kapatid na kaharap mo ay tila ibang tao at hindi mo na makilala,
kung hinahayaan mo man siya at pinaparamdam na siya'y tinatalikuran marahil isang pamamaraan lamang iyon upang siya'y magising at maibalik kung sino siyang talaga,
Pakataandaan nakakalunod at nakakahibang ang mataas na pagtingin sa sarili baka hindi mo namamalayan ikaw na lamang ang pumupuri sa inaakala mong kahanga-hanga...
Setyembre 25, 2011
kahit na anong sambit ng bibig
mabulaklak man ang kabig
malikhain sa paraan ng pagsambit
walang silbi kung di mapanindigan at laging sumasabit!!
Setyembre 13, 2011
Kahit gaano kahusay ang isang tao
kung ang mga nasa paligid ay magulo
binabalewala ang mga ipinapayo
patuloy ang problema at walang pagbabago
katawan at isipan kung minsa'y sumusuko
ngunit ang pagpapahalaga kailanma'y di maglalaho
hanggat pagmamahal sa paligid at mga tao'y nasa puso
pipiliing manatili kahit ibig nang lumayo...
Setyembre 12, 2011
Patibayan at patatagan ang labanan,
Tignan natin kung sinong maiiwan
at ano kayang kahihinatnan????
Setyembre 8, 2011
ang taong maparaan nakukuha ang kailangan,
ang kailangan ng tao ay nakukuha sa maraming paraan :P
Setyembre 1, 2011
GISING SA MGA TAONG NANAGINIP
dahil DI PA MAN NANGYAYARI'Y
NAKIKITAAN NA NG KAGASPANGAN NG UGALI
at TILA PANTAS NA ANG TINGIN SA SARILI...
ang isda nahuhuli sa sarili niyang lambat..
huwag masyadong bilib sa sarili
baka kung saan ka dalhin ng mga iniisip mong sa panaginip lamang pala nangyayari
at ito'y isa lamang guni-guni :)
Agosto 9, 2011 (Para kay Bie, motmot kasi namin )
SIKTINAYN
numerong makaagaw pansin
mahalay sa iba ang pagpapakahulugan
ngunit sa aki'y sadyang MAKABULUHAN...
ANIM na TAON sa IKASIYAM ng Agosto
paggunita sa pag-iisa na aming mga puso
pagsasamang sinubok ng maraming hamon
pagtitibayin pa ng mahabang panahon :))
Hulyo 20, 2011 (sa taong napakataas ng tingin sa sarili)
Masama ang masabi ng kabulaanan
Gayundin ang paglikha ng kabalastugan
Walang silbi ng hungkag na katwiran
Pantas kami upang ika'y paniwalaan!
Ngunit alam kong hindi nagtatagumpay
Ang taong mayroong masamang pakay
Pagpapapansin mo'y bakit ba binigyang buhay
alingasaw at pustura mo'y tila isang bangkay!!!
Disyembre 9, 2010
Isang araw nagkayayaan ang tropa na magsimba at sabay-sabay silang lumuhod.Pagkaraan ay napadaan sila sa Q. Court at nakakita ng pantasa,nagkataong may lapis na naputol kaya pinatulis nila ito.bumili rin sila ng jershey at iisang numero nalamang natira (69) dahil maganda ito binili nila ito at agad na sinuot. Umuwi ang tropa ng ubod ng saya at inaabangan pa ang susunod nilang pagsisimba!!