HONESTY lang SAPAT NA
Likha ni Mama
Himig ng aking damdamin aking ipadarama
Saking apatnapu’t dalwang anak na mahalaga
Inasahang dumating upang silay makilala
Pagsapit saking buhay labis kong kinasiya !
Obligasyon sa kanila ay aking ginampanan
Sa panimula ng taon silay pinapurihan
Pinakatahimik kaya't ako ay nasiyahan
Bagamat hindi ko sila lubos na maramdaman.
Nanatiling mailap sa paglipas ng mga buwan
Hinahanap ang iba sa kanilang katauhan
Lubos na pagkilala sa kanila'y hinadlangan
Kaya’t ang panahon sa isa’t isa’y nabawasan.
Ewan ko ba at ang tagal ng panahong hinintay
Nang kamiy magkaisa sa araw ng lakbay-aral
Lahat ay naging masaya bagamat may mga ekstra
Kulitan sa loob ng sasakyan ay walang humpay
Sa basagan ang lahat ay nakiisa’t tumawa
Dalawang pangkat ay di maawat sa pagsasalita
Kahit na may napipiko’y tuloy sa arangkada
Kayat ng uwian na ay walang boses ang iba.
Tapos na ang katahimikang yugto saming pangkat
Mga tinatagong kakulita’y kanilang inilabas
Pinangunahan ng MAGIKERO KONG walang kupas
Madalas mang pagalita’y NATATANGI SA LAHAT J
Yagit man sa ibang bagay galante sa tawanan
Laging may kasiyahan kahit na mapagalitan
CHOOKS,DONG,MR.PALENGKE,KABAYO,GILAGID at POKNAT
Ang ilan sa mga suki sa kanilang tuksuhan.
Sa kanila ay hindi rin mawawala ang mga pasaway
Na labis kong kinainisa’t laging sumusuway
Ang TATLONG MARIANG manggugupit na walng kapantay
Mga “CONSISTENT LATE COMERS” na madalas sabay-sabay.
Ang mga LALAKING BASTUNERO’T ayaw magpagupit
Sa kwarantin si Sir Almorin ang sa kanila'y nangungulit
Doo’y pinagsasabihan upang di na umulit
Ngunit may ilan parin na sadyang napakakulit.
Pati ang problema sa puso’y kinakabahala
Madalas na mapahamak ang ANAK kong kawawa
Sa labis na pagmamahal siyay napapasama
Kaya’t siya’y aming tinulungan at inuunawa.
Ang mga munting pagtatampuhan at ilang awayan
Sinisiguradong agad itong masusulusyonan
Sa pagtutulunga’t damaya’y di matatawaran
Mga katangiang nasilaya’t aking hinangaan.
Talagang di matatawaran ang aming pamilya
Sa kasiyahan at kalungkutay magkakasama
Makulit may PINAKAMABAIT samin nagmula
Ika nga namin “HONESTY LANG SAPAT NA,SAN KA PA!”
Nawa’y ating pinagsamaha’y manatiling buhay
Mga alaala na sadya namang walang kapantay
Mga kaalamang natutuna’y laging isabuhay
Ikintal sa kaisipan upang maging gabay.
Ang tangi kong hiling na sawa ay inyong matupad
Sa muling pagkikita ngiti lang ang sayo’y hangad
Di man tayo magkakasama sa iisang silid
Sa puso ko ay naroon kayo at nakasilid. !
♥♥♥MOM_WEH ‘10♥♥♥