Linggo, Oktubre 2, 2011

Tara na sa Klasepedia :)

Mga Giliw kong Mag-aaral, ikinagagalak ko na kayo'y maging bahagi ng aking blog. Ito'y isang interaktibong pag-aaral na kung saan ipapamalas ninyo ang inyong kahusayan sa asignaturang Filipino. Sa blog na ito malaya kayong magpahayag ng inyong saloobintungkol sa mga araling ating tinalakay o maari rin namang kung gusto lamang magpahayag ng saloobin ay maari rin :)

Layunin : 
1. Mapahalagahan ang asignaturang Filipino.
2.Magamit ang asignatura sa interaktibong pamamaraan.
3. Maipamalas ng mga mag-aaral ang pagiging malikhain.
4. Mapaunlad ang komunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral.
5. Magkaroon ng ugnayan ang guro at mag-aaral sa labas ng silid-aralan na kawili-wili at may bahid ng pag-aaral.


Tuntunin :
1. Magpatala bilang tagasunod. Ilagay ang buong pangalan at sekyon.
2. Magbigay ng saloobin/opinyon sa paksang ilalahad ng guro.
3. Ibahagi ang angking galing sa pagsulat o pagpapahayag.


Maraming Salamat at Inaasahan ko ang inyong Pakikiisa :)

2 komento: