Mundo ng manlilikha, maharlika at matapang sa pagkatha (Kalipunan ng mga tula, sanaysay, maikling kwento at iba pang naisipan)
Miyerkules, Nobyembre 30, 2011
Biyernes, Nobyembre 11, 2011
Biyernes, Nobyembre 4, 2011
Mula sa isang mahusay na akda :)
May mga pagkakataon na hindi tayo sabay na matutulog. Okay lang yun. Hindi naman kinakailangang magkatabi tayo matulog para sabay tayong managinip. Hindi rin kailangang parehas tayong gising para mangarap. Ang mas mahalaga, kasama natin ang isa’t isa bilang main casts sa pelikula ng ating pangarap at panaginip.-- Intoy
Maganda ba? Iyan ay ilan lamang sa mga mababasa ninyo sa akdang isinulat ni Eros Atalia, kung kinagiliwan ninyo si Bob Ong nakasisiguro akong magugustuhan din niyo ang kanyang mga obra....
Maganda ba? Iyan ay ilan lamang sa mga mababasa ninyo sa akdang isinulat ni Eros Atalia, kung kinagiliwan ninyo si Bob Ong nakasisiguro akong magugustuhan din niyo ang kanyang mga obra....
Martes, Nobyembre 1, 2011
Lunes, Oktubre 31, 2011
PANAWAGAN SA INYONG PAGKAKAKILANLAN!
Ang pagbuo ng inyong blog ay kasama sa inyong Class Participation na binigyan ko ng 20 puntos kung makabuluhan ang mga nakalagay sa inyong blog. Sa pagkakataong ito mayroong 44 na mag-aaral ang nabigyan ko na ng puntos:
Honesty - 4
Kindness - 2
Charity - 29
Cheerfulness - 4
Samanatalang ang mga sumusunod na blog ay hindi ko pa nabibigyan ngpuntos dahil walang pagkakakilanlan kaya mangyaring ayusin sa lalong madaling panahon upang mabigyan kayo ng puntos:

- trisha_polly2006
- cynthiagonzales
- adblackjack2ne1
- king
- jave
- jerc barbie
- cyram07
- kim nosido
- deidara_akatsuda 2010
Kung higit sa isa anginyong ginawang blog mangyaring burahin na ito upang hindi magkaroon ng kalituhan. Ayusin ang inyong blog...
Pagpaumanhinsa Pangkat ng I-Respect, sa susunod na markahan na kayo makakasali sa Klasepedia.
Happy Holloween at Maligayang Kaarawan sa Ina ng First Year Assembly Mam Agustina M. Lapuz :)
Martes, Oktubre 25, 2011
Linggo, Oktubre 23, 2011
IDOL... Pag-asa ng Bayan!!!
Anong masasabi ninyo sa napanood ninyong pelikula? Sang-ayon ba kayo sa paliwanag na ibinigay ng direktor? Anong bahagi ng pelikula ang nakapukaw sa inyo ng pansin at bakit?
Sabado, Oktubre 15, 2011
Pick-up lines ni Mam Weh
Patama sa isang nilalang :
Trabaho ka ba?
Kasi nakakapagod ka na eh...
Gusto ko na tuloy mag-file ng leave
o kaya Resignation na!!!
Nasabi sa isang kaibigan:
Kamag-anak mo ba si Maria Clara?
Konserbatibo kasi ang dating mo
pero makamundo kang talaga :)
Ikaw may Pick-up Lines ka ba? Ibahagi mo naman dito oh, hihintayin namin :)
Paalala mga giliw kong mag-aaral :)
1. Paghandaan ang Ikalawang Markahang Pagsusulit.
Tandaan walang mahirap na pagsusulit sa nag-aral ng mabuti.
2. Gawin ang proyekto ng maganda, maayos,kaaya-aya at may laman. Tandaan : Anong silbi ng magandang nakikita kung wala ka namang matutunan.
Tandaan walang mahirap na pagsusulit sa nag-aral ng mabuti.
2. Gawin ang proyekto ng maganda, maayos,kaaya-aya at may laman. Tandaan : Anong silbi ng magandang nakikita kung wala ka namang matutunan.
- Dalit Postkard - Okt. 17, 2011
- Advertisement tungkol sa Globalisasyon - Okt. 24,2011
- Sulating Pangwakas - Okt. 17, 2011 (Gagawin sa silid-aralan)
Biyernes, Oktubre 7, 2011
Silid-aklatan ng Honesty :)
Isang araw na paghahanda
Pinagtulunga't pinaganda
Bagamat kumalam ang sikmura
Natapos nang kahanga-hanga:)
Nagbabahagi lamang po dahil maganda ang kinalabasan ng aming Munting silid-aklatan.
Mahuhusay na Likha :)
Narito ang ilan sa mga natatanging mga gawa ng mga mag-aaral sa Unang Taon.
Gawain : Piktyur-Kolads at Islogan
Mula sa I-Honesty Christian Valdez
Mula sa I-Charity
Dhan Cris Candelaria
Gio Angelo Castro
Mula sa I-Cheerfulness Dreff Palaganas
Abangan na lamang ang mga likha mula sa Kindness at Respect :)
Maaring magbigay ng puna sa mga napiling larawan, ikakatuwa ko at ninyo kapag nagbigay kayo ng inyong opinyon :)

Martes, Oktubre 4, 2011
Unang Gawain: Pagbuo ng Patalastas/Adbertisment tungkol sa Globalisasyon
Ito ay Pangkatang Gawain na kung saan kailangan ninyong bumuo ng isang adbertisment tungkol sa Globalisasyon. Maging payak,informativ at nakakahikayat ang gagawing ads, ang huling araw ng pag-upload ng inyong adbertisment ay sa Oktubre 14, 2011. Upang higit na mapaganda ang inyong ads, narito ang Rubriks sa paggawa ng Adbertisment:
Rubriks sa Paggawa ng Adbertisment
Dimensyon :
1. Nakakahikayat at kaagad na nakakuha ng atensyon ang ads. 4 3 2 1
2. Maikli ngunit malinaw ang pagkakalahad ng mensahe. 4 3 2 1
3. Mahusay, praktikal at kaakit-akit ang adbertisment. 4 3 2 1
4. Matapat nitong nailahad ang mga benipisyo ng ads. 4 3 2 1
5. Sa kabuuan, mahusay na nakapaglahad ng impormasyon. 4 3 2 1
4- napakahusay 3 mahusay 2- katamtaman 1-nangangailangan ng pagsasanay
16-20 -Napakahusay 11-15 Mahusay 6-10 Katamtaman 1-5 Kailangan ng pagsasanay
Upang higit na mapaghandaan narito ang halimbawa upang maging gabay:
Kaya ninyo iyan :)
Inaasahan ko ang inyong proyekto.
Salamat.

Linggo, Oktubre 2, 2011
Tara na sa Klasepedia :)
Mga Giliw kong Mag-aaral, ikinagagalak ko na kayo'y maging bahagi ng aking blog. Ito'y isang interaktibong pag-aaral na kung saan ipapamalas ninyo ang inyong kahusayan sa asignaturang Filipino. Sa blog na ito malaya kayong magpahayag ng inyong saloobintungkol sa mga araling ating tinalakay o maari rin namang kung gusto lamang magpahayag ng saloobin ay maari rin :)
Layunin :
1. Mapahalagahan ang asignaturang Filipino.
2.Magamit ang asignatura sa interaktibong pamamaraan.
3. Maipamalas ng mga mag-aaral ang pagiging malikhain.
4. Mapaunlad ang komunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral.
5. Magkaroon ng ugnayan ang guro at mag-aaral sa labas ng silid-aralan na kawili-wili at may bahid ng pag-aaral.
Tuntunin :
1. Magpatala bilang tagasunod. Ilagay ang buong pangalan at sekyon.
2. Magbigay ng saloobin/opinyon sa paksang ilalahad ng guro.
3. Ibahagi ang angking galing sa pagsulat o pagpapahayag.
Maraming Salamat at Inaasahan ko ang inyong Pakikiisa :)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)