Huwebes, Enero 12, 2012

1-12-2012

Subya sa aking puso kung kinalaunan
Marinig ako'y sutla lamang sa kalooban
Malimit na inuunawa ang aming kapintasan
Katumbas nito'y pag-aalapaap sa aking kapantasan.

Higit kailanman kaydikit kung sa inyo'y mapapakinggan
Makailan ulit ako nyang pinahirapan,
Nagnuynoy ng kasagutan hanggang mapata ang isipan
Binabata kong lahat bagama't gusto ko na lamang gumulaylay o magtanan!

Ngunit hindi maikukubli ang katotohanan,
Iyang mala-engkanto niyang katangian,
Sadyang hindi matatawaran,
Ako'y pinangko niya tungo sa karunungan!!!

Biyernes, Enero 6, 2012

I - Cheerfulness (2007-2008)

Sa Pamantasan ng Manila Sentral
Ako'y nakabuo ng masayang pamilya
Sa ikalawang palapag ng gusali nanahan
Apatnapu't siyam na bata itinaguyod ng isang ina.

Sa simula ng samaha'y nagkakahiyaan
Nagpapalagayan ng loob at nagkakakilanlan
Nang lumao'y nagkamabutihan
Lumabas ang kani-kanilang katauhan.

Nariyan ang presidenteng madaldal
Tawa niya'y sadyang nakakasasagabal
Kakambal ang bise prersidenteng napakakulit
Sa kakwelaha'y walang hindi sasabit.

May Mayor na lider ng lahat
Sa kalokoha'y sadyang nagpupumilit
Nariyan din ang Boss na sadyang kakaiba
Kapag bumanat lahat nagagambala.

Si Garot na hindi pahuhuli
Bukambibig niya'y nakakatulili
Si Arao na sadyang pasikat
Ang pag-uuwit niya'y nakagugulat.

Bawat isa'y may pagkakakilanlan
Tatak nilasa ating samahan
Kung ang bawat isa'y babanggitan
Higit sampung pahina ang kakailanganin.

Sa gitna ng pagsasama'y may dalawang lumisan
Ayaw man ng lahat ngunit iyon ang nararapat
Nagpatuloy ang buhay bagamat mayroon ng kulang
Samo't saring kaganapan ang ating pang pinagsaluhan.

Sa klase kailanma'y hindi mawawala ang kasiyahan
Bagama't seryoso sa talakayan biglang papasukan ng kakwelahan
Kaya't kapag ako'y sumigaw at nakukunsumi na
Panandaliang tatahimik at hahanap ngpagkakataong makaratsada.

Sa "log book" suking-suki at nangunguna
Sa dami ng kalokohan'y bidang-bida ang pangalan nila
Kaya naman hindi maiwasang magalit
Nang kanilang ina na sadyang napakabait !

Ika nga ng ilan ako'y inang matampuhin
Makailang ulit na nagdamdam 
Walang sinumang pinapansin
Kapag hindi tinupad ang aking habilin.

Ngunit magkunwari mang galit
Sadyang hindi sila matiis
Kapag ako'y napatawa na nila
Nabubuko ang aking pagdadrama!

Kung may mga pagkakataong kayo'y aking nasaktan
Patawad at iyon lama'y paraan ng aking paggabay
Kung mayroon mang pagkukulang
Pasensya't iyon lamang ang aking nakayanan.

Sa lahat ng pinagsamahan sa buong taon
Salamat sa iginugol na panahon
Kayo'y habambuhay na ituturing kong mga anak
Na sa puso't isipan ko'y nakatatak.

-Nay Hermo :) 2008