Sabado, Setyembre 30, 2017

PASKIN



PASKIN
ni Dayang Espiritu

RESIKLONG PASKILAN

Binuklat at nagsulat
Opinyong mulat
Xerox ng utak

Tintang pangmatagalan
Ang imprentay malaman
Rasso’t pagdadahilan
Pinaskil sa sabitan

Prinsipyong nilalaban
Apilang legal
Pinamumudmod
Epektibong paraan
Resiklo ang sulatan

PIN HAYAG BASA
Papel na likha
Idinidikit
Nang mapansin bg madla

Hayag sa mata
Alingawngaw sa tenga
Yakag ang paa
Alamin ang binadya
Gisingin iyong diwa

Binaybay na salita
Ano ang magagawa?
Sapat lang bang mabasa?
Ang hamo’y ikasa na!


MAIIKLING PASADA
Sasakyang pampasada
Ang hari ng kalsada
Radyo’t busina
Ang ingay twina
Oras na raw mawala

Dyayber nag-aboroto
Yakag ang buong grupo
Isinigaw sa kanto
Protestang pagbabago

Byahe’y huminto
Iwas sa gulo
Pinara ang pangulo!

Lahok sa Saranggola Blog Awards 9  www.sba.ph.
 

 



Lunes, Setyembre 25, 2017

TULANILAY

Pagsama-sama ng mga maiikling tula sa pagbuo ng isang akda na umiikot sa iisang paksa.

Haiku - may sukat na 17 pantig (5-7-5)
Tanka - may sukat na 31 pantig (7-7-7-5-5)
Tanaga - may sukat na 28 pantig (7-7-7-7)

Isang panalangin...



 Para sa aking ama na kasalukuyang may karamdaman...